Sa unang tingin, isang karaniwang album launching lamang yon, pero nang magsimula nang kumanta ang The CompanY, at inawit ang mga pamilyar na awiting pamasko, aywan kung bakit damang-dama namin ang kasiyahan. Siguro naroroon sa istilo ng kanilang pagkanta. Siguro rin naroroon sa katotohanang sincere sila sa pagnanais na magbigay ng kasiyahan at ipaabot sa mga nakikinig ang kanilang pagbati ng isang Maligayang Pasko. Kasi ang style nila ng pag-awit parang isang concert talaga. Kagaya nga ng sabi nila para lang silang nagka-carolling.
Tapos may isang kantang inawit nila, yong "Isang Taong Lumipas." Isang simpleng awitin na nagkukuwento tungkol sa pagdiriwang ng Pasko, ang kasiyahan at ang kalungkutan, ang pag-asa kahit minsan hindi man magkasama-sama, buo pa rin ang lahat kung ang mga minamahal mo ay talagang nasa puso mo.
Kung noong araw niya ginawa ang number na yon, sasabihin ng iba na yon ay isang burlesque number.
Totoo yon, pero hindi naman masama yang burlesque.
Ang totoo yan ay isang form of art. Dito lang naman sa Pilipinas nagkaroon ng malisya ang panonood ng burlesque, kasi nga iba ang nakamulatan nating kultura. Pero kung napanood nyo ang ginawang yon ni Shirley ay wala kayong makikitang masama.
Ang totoo hinangaan pa namin si Shirley dahil sa performance niyang iyon.