Nakatakdang umalis patungong Osaka, Japan ngayong October 27 si
Ogie Alcasid at si
Jonalyn Viray para dumalo sa kauna-unahang
Philippine Fiesta & Friends Day na proyekto ng
Philippine Consulate General Osaka-Kobe sa pakikipagtulungan sa
IPS, Inc., Access TV at
GMA-7. Parating inaabangan ng mga manonood kung sino na naman kaya ang bagong mayayari ni Bitoy (
Michael V.) at anong disguise na naman kaya ang kanyang gagawin sa
Bitoys Funniest Videos. Siyempre pa, hindi magpapahuli si
K Brosas ang kanyang mga pasaway na recruits sa Alpha Kappal Muks, ganoon din ang mga bagong gimik ng mga pasaway na Kikays. Ang isa pang nakakaaliw na portion ng
Bitoys Funniest Videos ay ang mga tagalized dubbing ng
Americas Funniest Home Vidoes kung saan nagiiba-iba ang boses ni Michael V.
Hindi ikinakaila ni
Piolo Pascual na masaya sila ni
Rica Peralejo at masaya umano sila sa isat isa. Aminado ang actor-singer na apat na taon na rin siyang walang karelasyon at ngayon siya muling nainlab. After all, magti-30 na siya sa darating na Enero at gusto na rin niyang lumagay sa tahimik bago pa man siya umabot sa edad na 35.
Sa totoo lang, marami ang naiinggit kay Rica dahil maraming babae ang nagpapantasya kay Piolo kahit hinahaluan pa rin ito ng pagdududa sa kanyang gender ng ibang tao. Pero hindi naba-bother si Piolo dahil mas kilala niya ang kanyang sarili.
Personal: Ang aming taos pusong pakikiramay kay
Tirso Cruz III at sa kanyang pamilya sa pagyao ng kanyang mahal na ina na si
Mommy Elma Cruz nung 2:30 ng madaling araw nung October 9 (Lunes) sa San Juan Medical Center dahil sa cardiac arrest.
Lubos nang ulila si
Pip (Tirso Cruz III). Naunang nawala ang kanyang nakababatang kapatid na si
Woody nung 1985 dahil sa isang vehicular accident at nung isang taon naman ay pumanaw ang ama ni Pip na si
Daddy Groovy (Tirso Cruz, Jr.). Ang labi ni Mommy Elma ay nakalagak ngayon sa kanyang tahanan sa 148-A 9th St., New Manila, Quezon City habang hinihintay ang pagdating ng ilang kamag-anakan na magmumula sa Amerika. Siyay nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan sa Martes, October 17 sa Himlayang Pilipino.
E-mail: a_amoyo@pimsi.net