It was my first time to hear
Danica Sotto sing, magaling pala siya. May boses at kapag kumakanta, she reminds everyone of her mom
Dina Bonnevie. Marami siyang mannerisms na kamukha ng sa nanay niya. Hindi kataka-taka na halos magkasunod na inilabas ng
Dyna Music na pinamumunuan ni
Howard Dy ang kanyang CD 45 na nagtataglay ng mga awiting "Paulit-Ulit" at "Fallin In Love" at ang kanyang full album titled "Fragile Heart" na may 11 tracks.
Favorite songs ni Danica sa album ang "Everytime", at "You Are Mine" at inihahandog niya ito sa kanyang boyfriend of eight months at soon to be husband in the very near future, ang basketbolistang si
Mark Pingris whom she finds sobrang humble, sobrang maalaga at palaging ipinaaalala sa yaya niya ang pag-inom niya ng gamot at di pag-inom ng bagay na malalamig.
Her "Fragile Heart" album was launched last Thursday night at the Metro Bar. Everyone was looking for her dad
Vic Sotto at hindi naman sila nabigo, sa ikalawang kanta ni Danica, dumating ito kasama ang current girlfriend niyang si
Pia Guanio. "I would love to be her friend. Im happy for her at sabi ko kay dad, aprub ako as long as hes happy," sabi ni Danica.
Other cuts from "Fragile Heart" are "Alaala", "Dream Kita", "Huwag Naman Sana" at marami pang iba.
Ewan ko ba, ang tagal-tagal nilang solusyunan yung board exam for nurses na sinasabing nagkaron ng leakage. Kung examinee ako, I would not mind taking the exams again, basta ba walang karagdagang gastos sa bulsa at anumang expense dito would be shouldered by those who require the retake. Para lang matapos na ang isyu at malinis ang pangalang nabahiran ng pagdududa. Sigurado naman ako na yung nandaya ay babagsak na naman. Kaya nga sila nandaya eh dahil wala sila o kulang ng kaalaman, di ba?
Bagay na bagay kina
Piolo Pascual ("Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko"),
Sarah Geronimo ("Pers Lab"),
Mark Bautista ("Beh Buti Nga") at
Rachelle Ann Go ("Panaginip") ang mga hits ng
Hotdog na na-assign na kantahin nila sa "Hotsilog" album na nagtatampok sa mga artists ng
ASAP. (Gary V, Toni Gonzaga, Erik Santos, Sheryn Regis, Sam Milby, Nikki Gil, Nina, Jed Madela, Christian Bautista, Zsazsa Padilla, (isa sa mga naging solista ng grupo) na nakipag-duet kay
Rene Garcia, original soloist ng
Hotdog)
Ang
Hotdog ay naging popular na banda nung 70s at nagpauso ng tinatawag na
Manila Sound. Star-studded ang premiere showing ng
World Trade Center sa Cinema 5 ng Gateway Mall. Tungkol ito sa ginawang pag-atake ng mga terorista sa World Trade Center nung September 11, 2001 highlighting the heroic deeds of two policemen na rumesponde pero natrap sa gumuhong gusali. Starring sina
Nicolas Cage, Michael Pena, Maria Bello at Maggie Gyllenhaal, sa direksyon ni
Oliver Stone. Dumating sa premiere sina
Raymart Santiago at Claudine Barretto, Cesar at Romel Montano, ang
PBB ladies na sina
Say Alonzo, Chx, Cass Ponti at Nene Tamayo, Chynna Ortaleza, Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, Liz Alindogan, Dina Bonnevie, QC Mayor Sonny Belmonte, Vice Mayor Herbert Bautista at ang buong konseho ng Lungsod Quezon.
E-mail: veronica@philstar.net.ph