Ang isa pang sinasabi nilang factor, doon sa Mulawin nagsimula si Richard Gutierrez. Binigyan siya ng build up bilang isang bagong matinee idol, at dahil guwapo naman talaga, kinagat yon ng mga tao. Hindi nagtagal at naging bukambibig ng tao sila Aguiluz at Alwina.
Hindi rin naman natin maikakaila na diyan nagsimula ang talagang popularidad ni Angel Locsin, na matagal na rin namang artista pero di napapansin noon. Ngayon, parang hindi ganyan ang dating ng bagong serye ng Ch. 7. Negatibong ang mga naririnig. Kagaya nga noong sinasabi nilang ang hitsura ni Dingdong Dantes, mukhang space man at hindi galing sa ilalim ng tubig.
Matagal nang artista si Dingdong. Matagal na siyang babad na babad sa mga tele-serye. Pinagsasawaan na rin siguro siya ng mga tao dahil ilang taon na siyang napapanood araw-araw.
Sana makabawi naman sila, at maaaring mangyari yon kung maganda ang kanilang istorya, pero kung hindi, talo yan.
May sinasabi nga siya, may problema daw talaga ang papeles ng Baywalk Bodies, dahil mukhang mali ang hawak nilang papeles. Totoo nga raw na mainit na siguro roon sa mga artistang Pilipino dahil sa mga nangyaring nahuli ang ilan sa kasong drugs pa naman, pero hindi naman daw ganoon kahigpit.
Kailangan nga lamang nasa ayos talaga ang kanilang lakad, at hindi naman yong nagsusuplado sila kung naroroon na sila sa US. May mga artista raw kasing Pilipino na pagdating doon, talagang mayayabang lalo na ang mga kasamang road managers.