Kasama sa promise ng produ ang pagkakaroon ng membership card ng Screen Actors Guild of America ang mananalo at makakasama sa ilang TV shows at pelikula sa America. Pero sadly, walang nangyari.
Paging Mr. Romeo Joven?
Another story na parang forever dream na rin lang ay ang pelikulang Wrinkles. Gosh, say nga ng isang veteran actor na supposedly ay kasama sa pelikula, tuluy-tuloy ang pagdami ng wrinkles nila sa mukha, pero ang movie na plinano para gawin nila, nawalang parang bula. "Almost two months kaming nagmi-meeting. Alam mo yun. Luncheon, dinner, meetings. Nagpupunta pa kami noon sa Tagaytay kasi supposedly may partner na may-ari ng isang gourmet place sa Tagaytay ang producer ng movie. Waste of time lang pala," kuwento ng isang veteran actor na ayaw na lang magpa-mention ng name.
"Ni ha ni ho, wala kaming narinig. Basta na lang may tumawag na may problema raw don sa Amerika kaya hold muna. After that, wala na. We were never informed kung ano ang nangyari," added the veteran actor na isa sa siyam na kasama sa movie.
Kabilang sa senior actors sina Eddie Garcia, Liza Lorena, Robert Arevalo, Gina Pareño, Mila Ocampo, Tommy Abuel and three other veteran actors na nalimutan ko na.
Last year pa supposedly gagawin ang nasabing movie pero wala lang, as in wala lang at parang hindi sila kinunan ng working visa na ang pakiramdam nila noon ay tuloy na tuloy ang project.
"Matagal din kaming nakipag-meeting sa kanila. Marami kaming ibinigay na documents," recalled the veteran actor na nakakuwentuhan ko three days ago.
Now, expired na ang working visa na nakuha nila at hindi na sila nagi-expect na matutuloy pa ang nasabing project.
Si Mr. Romeo Joven din ang kausap nila sa nasabing project.
Where is Mr. Joven na kaya? Nandito pa ba siya sa bansa o nasa America na? Wala na kaming balita sa kanya.
But in fairness, gumastos din naman daw si Mr. Joven yun nga lang, parang forever dream ang mga plano niya sa mga local actors natin.
Well, maybe feel ng mga lawyer na mahirap idepensa ang kaso ng TV host dahil hindi ito ang unang pagkakataon na nademanda ang TV host.
Grabe raw kasi ang nakalagay sa affidavit na filed by his wife. Meron pa raw don word na perennial womanizer. Naka-specify din umano don ang ginawa nitong pagbitbit sa anak na iilang buwan pa lang ng iisang kamay. "Grabe, shocking talaga ang mga inilagay ng wife niya. Ganun pala yun," say ng source na binasa sa kanya ang copy ng affidavit.
Anyway, ang last daw na nali-link sa TV host na ito ay isang married woman na nadiskubre ng wife kamakailan lang.
Actually, halos isang dekada na nga ang nakakalipas pero ang siste, parang inilista raw yata sa tubig ang nasabing utang dahil hindi na naalalang bayaran ang designer.
Hay sana nga ay maalala ng executive producer na may hindi siya nabayaran. Kailangan ng bading na designer ang datung.