^

PSN Showbiz

Willie, pinagbabawalan ng korte na lapitan ang asawa’t anak

-
Personal na humarap kahapon sa Quezon City Regional Trial Court si Willie Revillame para sa pre-trial ng petisyon na inihain ng asawa nitong si Liz Almoro para sa pagpapawalang-bisa sa kanilang kasal.

Si Revillame ay nagtungo sa sala ni Judge Elsa de Guzman branch 89 kasama ang kanyang mga abogadong sina Attys. Armando Marcelo at Maricris Pahate.

Magugunitang kamakailan ay nagsampa ng kasong pagpapawalang bisa ng kasal si Liz o Floralice Almoro sa tunay na buhay, ilang linggo matapos na umugong ang balitang nakipaghiwalay na ito sa asawa.

Unang napabalita na ang pagiging womanizer at physical violence umano ang dahilan ni Liz sa kanyang pakikipagkalas kay Revillame.

Maliban sa anullment ay humiling din si Almoro sa korte na magpalabas ng temporary protection order (TPO) na tatagal ng 20 araw na nagbabawal kay Revillame na lumapit sa una at sa anak ng mga ito ng may 300 metro.

Gayundin ay humiling din si Almoro ng permanent protection order (PPO) sa ilalim ng Republic Act 9262 o Violence Against Women and Their Children sa korte.

Ilang minuto ang itinagal na proceeding bago ito natapos kung saan tumanggi namang magbigay ng pahayag si Revillame at ng mga abogado nito hinggil sa napagkasunduan ng mga ito.

Wala pa namang araw na itinakda ang korte hinggil sa kung kailan maghaharap sa korte sila Willie at Liz dahil bubusisiin pa ng korte ang mga argumento ng magkabilang panig kaugnay ng kasong ito.

Tanging kampo lamang ni Revillame ang sumalang kahapon sa sala ni Judge De Guzman ayon sa imbitasyon ng korte para rito sa naturang kaso. — ANGIE DELA CRUZ

ALMORO

ARMANDO MARCELO

FLORALICE ALMORO

JUDGE DE GUZMAN

JUDGE ELSA

LIZ

LIZ ALMORO

MARICRIS PAHATE

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with