"Malaki ang binago sa akin ng PDA. Dati napaka-mahiyain ko pero habang nasa loob ay dinibdib ko talaga ang mga lessons ko at Im sure, nakita naman ang efforts ko sa TV," pagtatapat ng pre-school teacher na gumradweyt ng Child Development & Education sa Miriam College bago siya sinwerteng matanggap sa PDA.
Galing sa isang artistic family si Oona, ang father niya ay myembro ng isang combo nung kapanahunan nito at nakagawa ng album. Isa rin itong painter na gumawa ng isang mural sa Malaybalay, Bukidnon. Isa namang journalist ang kanyang ina, ang eldest sister niya ay dating editor-in-chief ng Ateneo de Manila, nasa Australia na ito kasama ang pamilya nito at kasalukuyang binibisita ng kanyang mga magulang.
Myembro naman ng San Miguel Choir ang isa pa niyang ate, ang isa pang kapatid na lalaki ay isang copywriter at isa ring mahusay na percussionist. Sa iskwela naman ni Oona ay napili siyang gampanan si Dorothy sa Wizard of Oz.
Bago sa PDA ay nag-audition siya sa Philippine Idol. Hanggang level 2 lamang ang inabot niya. Tatlong beses niyang na-miss ang audition para sa PDA, umabot lamang siya sa pinaka-huli na ginanap sa Marilao, Bulacan.
She hopes na ngayong nakalabas na siya ng PDA ay mabigyan siya ng maraming assignments. Proud siya nang sabihin ng mga co-scholars niya na marunong siyang mag-host.
Wakas na ito sa Friday, Okt. 13 at para malaman nyo kung magwawakas ito sa isang tragedy o magiging happy sina Dustin at Allyson, huwag kaligtaang panoorin sa GMA, pagkatapos ng Bakekang. VERONICA R. SAMIO