May isa itong anak kaya para mairaos ang pang-araw-araw na pangangailangan sa buhay ay nagluluto ito ng ulam at kumukuha ng order sa ilang opisina ang kanyang katulong na siya ring nagdadala ng pagkain.
Wala na kasi siyang pelikula at wala ring TV shows kaya gumagawa ng paraan para maitaguyod ang anak.
Dumaan sa maginhawang buhay ang actress/singer noon.
"Pero hindi siya pwedeng kunin dahil naka-ban ito sa network.
"After ng dalawa naming biyahe sa Japan ay ang tatay na nito ang nagma-manage sa kanya gayung ang contract namin ni Mahal bilang manager niya ay ongoing pa at magtatapos sa January 11, 2008. Kaya kapag itinuloy ni Mahal ang transaksyon sa showbiz na ang tatay niya ang tumatayong manager ay baka ituloy ko na ang demanda ko sa kanila," sey ng manager.
Bago simulan ang pelikula o sa story conference pa lang gaya ng Mano Po 5 ay inilalatag niya ang mga regulasyon niya para maging maayos at walag maging aberya sa syuting nila.
"Ayaw ko nang nali-late ang dating ng aking artista lalo na kung tatlong oras ito. Kung hindi sila makakarating, dapat one week in advance sila magpapaalam para magawan namin ng paraan. Hindi yung kinabukasan sila mag-aabsent pero kinagabihan lang magpapaalam. I dont require ang mga alalay ng mga artista lalo na kung marami sila.Isang alalay lang para sa isang artista dahil kapag anim na sila halimbawa, hindi makakapag-concentrate ang mga artista," sey ni Direk Joel.