^

PSN Showbiz

Dating actress/singer, nagtitinda na lang ng ulam para kumita

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Maginhawa ang buhay ng isang dating sikat na singer/actress. Pero ngayon ay karaniwang ina na lang siya ng tahanan. Matapos magkahiwalay sila ng kanyang asawang non-showbiz.

May isa itong anak kaya para mairaos ang pang-araw-araw na pangangailangan sa buhay ay nagluluto ito ng ulam at kumukuha ng order sa ilang opisina ang kanyang katulong na siya ring nagdadala ng pagkain.

Wala na kasi siyang pelikula at wala ring TV shows kaya gumagawa ng paraan para maitaguyod ang anak.

Dumaan sa maginhawang buhay ang actress/singer noon.
Mahal, Naghihirap Na
Tumawag sa amin ang manager ni Mahal na si Ramon Yuson para ibalita na ang kanyang alagang si Mahal ay ang iba na ang nagma-manage. Balitang nakikiusap sila sa GMA 7 para isama sa ilang shows ang bulilit na aktres.

"Pero hindi siya pwedeng kunin dahil naka-ban ito sa network.

"After ng dalawa naming biyahe sa Japan ay ang tatay na nito ang nagma-manage sa kanya gayung ang contract namin ni Mahal bilang manager niya ay ongoing pa at magtatapos sa January 11, 2008. Kaya kapag itinuloy ni Mahal ang transaksyon sa showbiz na ang tatay niya ang tumatayong manager ay baka ituloy ko na ang demanda ko sa kanila," sey ng manager.
Direk Joel, May Sariling Regulasyon
Hindi kami magtataka kung bakit takot o disiplinado ang mga artista sa mga pelikulang dinidirek ni Joel Lamangan.

Bago simulan ang pelikula o sa story conference pa lang gaya ng Mano Po 5 ay inilalatag niya ang mga regulasyon niya para maging maayos at walag maging aberya sa syuting nila.

"Ayaw ko nang nali-late ang dating ng aking artista lalo na kung tatlong oras ito. Kung hindi sila makakarating, dapat one week in advance sila magpapaalam para magawan namin ng paraan. Hindi yung kinabukasan sila mag-aabsent pero kinagabihan lang magpapaalam. I don’t require ang mga alalay ng mga artista lalo na kung marami sila.Isang alalay lang para sa isang artista dahil kapag anim na sila halimbawa, hindi makakapag-concentrate ang mga artista," sey ni Direk Joel.

DIREK JOEL

JOEL LAMANGAN

MANO PO

MAY SARILING REGULASYON

NAGHIHIRAP NA

PARA

PERO

RAMON YUSON

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with