Richard, Angel naging mag-MU rin!

Isa sa mga naitanong namin kay Richard Gutierrez ay kung niligawan ba niya si Angel Locsin nung time ng Sigaw dahil sweet na sweet silang dalawa.

"Di naman mag-on, siguro tipong mag-MU lang na super close at nagsasabihan ng problema at komportable sa aming tambalan," anang aktor.

Nagsusyuting na sila ng Mano Po 5 na entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival.



Jolens, Sumasama Kay Bebong Sa Paglilibot Sa Iba’t Ibang Barangay
Matagal kaming nagkakwentuhan ni Jolina Magdangal sa Unang Hirit kung saan sinamahan kong mag-guest ang Von Trapp Children.

Matagal na palang narito sa bansa ang nobyong si Atty. Bebong Muñoz na tiyak nang kakandidatong congressman sa second district ng Caloocan.

Katuwang si Jolens sa paglilibot ng nobyo sa iba’t ibang barangay, enjoy naman ang aktres.

"Magkapareho kami ng layunin ni Bebong pagdating sa aming trabaho. Bilang pulitiko, tapat itong maglilingkod sa mga tao samantalang ako bilang artista ay nagi-entertain naman sa mga tao. Suportado ko siya at talagang tutulungan sa pagpasok nito sa pulitika dahil dama ko ang malinis nitong intensyon na makapaglingkod sa bayan. May ilang problema pa rin sa Caloocan at lahat nang natutunan niya sa kursong public administration sa Columbia University sa New York ay ia-apply niya sa kanyang trabaho bilang pulitiko. Fresh ang kanyang mga ideas na makakatulong sa pagsulong ng lungsod. Pangarap ni Bebong na magkaron ng self-discipline ang mga tao at imulat sila sa kahalagahan ng bayanihan o pagtutulungan ng bawat isa," paliwanag ni Jolens.

Sa kabilang banda, magiging abala si Jolens sa Hoo U? gayundin sa hosting job nito sa StarStruck 4, kasama sina Dingdong Dantes at Raymond Gutierrez.
Salute To Pinoy
Ipinagkaloob ang award sa Halili Cruz School of Ballet bilang Most Outstanding Ballet School in Asia sa Salute To Pinoy, isang dance concert na tampok ang outstanding ballet dancers mula level 3 hanggang level 12, gayundin ang mga winners sa Asia Pacific Dance Competition na idinaos sa Singapore at Australia.

Ang programa ay binubuo ng dalawang bahagi at nagustuhan ng audience ang Dinagyang (ati-atihan) kung saan nananalo ang mga dancers sa group competition.

Ang artistic director ng school of ballet ay si Shirley Halili Cruz at ang mga ballet teachers naman ay sina Grace Geralde-Perez, Anna Kathrina Halili Cruz at Anna Tuazon-Balmadrid.
Blind Item: "Denial Queen"
Kapag tinatanong ang lovelife ng sikat na young actress na ito ay puro pagdi-deny ang kanyang sinasabi. Zero raw ang kanyang lovelife. Pero maraming ayaw maniwala dahil may kasama itong nagsisimba tuwing madaling araw. Sweet na sweet sila at magka-holding hands pa kapag lumabas o pumasok ng simbahan.

Sikat ang young actress na ito na mainstay ng isang soap opera.

Show comments