Ang affair ay ang birthday concert ng Master Showman na kung saan ay layunin niyang makalikom ng pondo para sa isinasagawa niyang Walk of Fame sa Eastwood Libis.
Si Isa ay dinala sa kanya ng talent manager na unang humawak sa mga career nina Manilyn Reynes at Billy Crawford.
Nagawan din ng nasabing manager na makuha ang atensyon ng popular na mang-aawit na si Josh Groban na nang marinig ang boses nito sa CD ay naging interesadong makita ito at nangakong bibigyan niya ng scholarship si Isa sa Yale University sa susunod na taon. Si Kuya Germs ang nangakong magbibigay ng pamasahe sa kabataang singer na Cebuana na talaga namang hahangaan mo sa kanyang pambihirang talento.
Kahit medyo mahal ang tiket ng concert ni Kuya Germs (P1,000) na pinamagatang Vodabil ay nag-enjoy ang lahat ng bumili ng tiket. Mahigit 2 oras ang konsyerto na nagtampok sa magagaling na dancers na Follies de Mwah, ang mga beteranong singers na sina Pilita Corrales at Dulce, mga co-host ni Kuya Germs sa Walang Tulugan na sina Jackielou Blanco, Shermaine Santiago, Shirley Fuentes at John Nite at ang mga kabataang mang-aawit na sina Enrique Marcos, Dexter at Jon Joven.
Samantala, star-studded ang month-long b-day celebration ni Kuya Germs sa kanyang pan-Sabadong programa sa GMA.
Hindi na bago sa Pinoy ang animation. As early as 1953 ay meron na tayo nito, isang batang babaeng naglalaro ng jumping rope at isang batang lalaki na naglalaro ng yoyo na kinunan ni Larry Alcala sa 8mm film at tinawag niyang "black & white exercise in movement".
Unang TV animation ng Pinoy ang Ang Panday ni Carlo Caparas at nagtampok kay FPJ, ang Darna na ipinalabas sa GMA 7 at pinagbidahan ni Vilma Santos at ang Captain Barbell ng RPN 9 na ginamitan ng mukha ni Dolphy. Ang tatlong ito ay brainchild ni Pinoy animator Gerry Garcia na siyang gumawa ng cartoon ng mga nasabing pelikula.
Bibigyan din ng awards sina Carlo Caparas (Panday), Larry Alcala (for bringing anime in the country), Mars Ravelo (Darna, Captain Barbell), Nonoy Marcelo (Biag ni Lam-Ang); Orly Ilacad (Isko; Adventures in Animasia); Ramon Chuaying (Ibong Adarna); Lav Diaz (Ibong Adarna); Simon Lam (Ibong Adarna); Mario Uligan, Peter Belleza, Rose Flaminiano at Mike Relon Makiling.
Ang mga artists na sina Eric Quizon, Vivian Velez, Roi Vinzon (Computerman); Levi Celerio (Adarna soundtrack); Merlita Manuel (Panday theme song); ang mga boses na ginamit sa animation (Jolina Magdangal, Regine Velasquez, Boots Anson Roa, Helen Vela, Max Alvarado, Lito Anzures, Perry Fajardo at Bentot Jr. (Panday) at ang mga networks na GMA 7, ABS-CBN 2, RPN 9 at IBC 13.