Angel Aquino vs. Penelope Cruz sa Fort Lauderdale International Filmfest
October 7, 2006 | 12:00am
Sunod-sunod ang suwerte ng digifilm na Donsol. Imagine, pagkatapos umani ng tagumpay sa Japan, heto na naman at palaban ang film debut ni direk Adolf Alix Jr. sa Fort Lauderdale International Film Festival sa Florida beginning 26 October to November 11.
At ang magandang balita rito: Only 11 films qualified for the competition category at pasok ang Philippines dahil daw na-impress ang selection at screening committee ng naturang festival sa Donsol. This early, nagpadala na ng invitation ang festival organizers para siguraduhing makakapunta ang mga lead stars ng pelikula.
Gustung-gusto raw nila ang pagganap ni Sid Lucero bilang isang tourist guide ng mga butanding (whalesharks) who falls in love sa isang misteryosang turista na ginampanan naman ni Angel Aquino.
Kuwento ng friend na si Ricky Gallardo, magugulantang ang mga taga-Florida pag nasilayan nila ang world class beauty ni Angel at hindi lang pagandahan ang labanan dahil mahigpit daw na magkatunggali sa best actress sina Angel Aquino at Penelope Cruz na sinasabi ding mahusay sa pelikulang Volver ni Pedro Almodovar.
Bukod kay Angel at Penelope, nag-iingay din ang Julie Walters para sa panlaban ng UK na may pamagat na Driving Lessons.
Si Sid Lucero raw ang lumalabas na underdog sa best actor dahil first film niya ito at alam nyo naman ang mga critics ng international film festivals, madali silang mag-sympathize sa mga underdogs. Sa pakikipag-usap ni Direk Adolf sa organizers, ini-insist nila na kailangang dumalo si Sid dahil marami ang curious sa kanya dahil sa pinakitang gilas sa kanyang first film.
Sabi ni direk Adolf, napakalaking karangalan ito dahil first time na may pelikulang in-competition ang Philippines sa naturang prestigious na festival. At di siya makapaniwala na magkahanay sila ng award-winning director na si Pedro Almodovar.
Pinagpapala ba talaga ang Donsol pagkatapos isnab-isnabin sa Cinemalaya? Siguro rin mahalaga na maging aware ang mga local nating festival organizers sa mga kalahok na pelikula.
Kasi ang ending vindicated ang Donsol sa nangyayari. Hindi gaanong napansin ng Cinemalaya ang pelikula although pinanood naman nila ito. Pero at least ngayon, sa mga prestigious film festivals pa ang kumikilala sa mahusay na pagsasapelikula ng isang simpleng kwento at mahusay na pag-ganap ng bidang si Sid Lucero.
In fairness, impressed kami kay Sid right from the start nung ipinakilala siya sa amin ng kanyang manager at kaibigang si Ricky Gallardo. Tama ang aming gut-feel na malayo ang mararating ng panganay ni Mark Gil at Bing Pimentel na nagbabalik sa TV.
Yung isa pa niyang pelikula ( Heremias ni Lav Diaz) ay nagwagi na rin sa Fribourg International Film Festival at according to direk Lav, galing na galing ang mga jury members kay Sid lalo na raw yung taga-Cuba dahil sa pagganap ni Sid sa role na young, corrupt policeman. Sayang nga lang daw at walang acting awards sa Fribourg kundi wagi raw si Sid.
Anyway, habang sinusulat namin ito, nakatanggap kami ng balita na inimbitahan na rin ang Donsol sa Dominican International Film Festival sa December sa Dominican Republic, bukod pa sa Cairo International Film Festival sa Egypt.
Bongga talaga ang Donsol. Good luck and congratulations!
Namatay na ang singer na si Helen Cruz kahapon. Hindi ko na inabutan si Helen Cruz bilang singer na sumikat noong dekada 70. Pero base sa kuwento-kuwento, magaling siyang singer.
Anyway, ang sad part lang namatay siyang walang kamag-anak kahit isa. Tanging ang kapit-bahay niya lang na nagmalasakit ang nag-alaga sa kanya hanggang sa lagutan siya ng hininga kahapon sa charity ward ng Hospital ng Makati.
Nangailangan ng tulong ni Helen at isa si Tito Ricky Lo sa naunang nagbigay ng tulong kasama ang mga ilan pang kaibigan. Nangako rin ng tulong si Ms. Susan Roces at kinausap naman ni Tita Dolor Guevarra si Makati Mayor Jejomar Binay para mailabas na sa Hospital ng Makati si Helen.
May he rest in peace.
Salve V. Asis e-mail - [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended