Ogie, nagbabantay sa VTR ni Regine!
October 7, 2006 | 12:00am
Hula ng mga katoto ay si 3rd time nominee for expulsion, Oona Barretto na ang mamaalam sa Pinoy Dream Academy ngayong gabi.
Base sa blog ay maraming may ayaw sa kanya dahil parati na lang daw siyang naa-out of tune kung kumanta at hindi pa abot ang matataas na nota.
Sa kanilang apat na nominado kasama sina Kristoff Abrenica, Davey Langit, Yeng Constantino at Oona ay ang huli ang nakitaan din namin ng hindi gaanong nagsa-shine, pangalawa si Kristoff na ang tanging panlaban lang ay ang kanyang kaguwapuhan dahil hawig daw siya ni Mark Anthony Fernandez.
Mamayang gabi ay malalaman kung makakaligtas si Oona at kapag nakanta niya ng maayos ang "Out Here On My Own," sure nang ligtas siya.
Nanganganib ding si Kristoff na sumunod kina Geoff Taylor at Gemma Fitzgerald dahil tulad ni Oona, hindi rin niya maabot ang matataas na nota, kaso love siya ng taumbayan, kaya baka mailigtas siya sa text votes.
Nag-shoot daw ng VTR na gagamitin sa kanyang concert na Twenty si Regine Velasquez sa isa sa studio ng GMA nung Miyerkules at maraming nagtataka kung bakit naroon daw si Ogie Alcasid na wala namang kinalaman sa VTR shoot.
Wala raw partisipasyon si Ogie sa nasabing shooting basta naroon lang daw siya para manood, kaya ang mga tsismosong staff ng Siete ay nagbubulungan na naman, di nga kaya si Ogie raw ang karelasyon niya ng apat na taon at sinabi lang na hindi taga-showbis para iligaw ang media?
Anyway, may dahilan daw kung bakit sobrang mahal ng tickets ni Songbird sa concert dahil malaki raw ang production cost ng 20th year concert niya, kundi raw triple ay apat na doble ang gastos kumpara sa nakaraang R2K concert niya sa Araneta Coliseum limang taon na ang nakakaraan.
Pareho rin daw sa R2K ang stage, pabilog para mapuno ng husto ang Big Dome at ang repertoire ay pawang luma, simula nung nagu-umpisa si Songbird hanggang sa sumikat na at ang bukod tanging hindi lang niya original song ay ang Pussycats Dolls medley na siyang kakantahin niya sa encore.
Dagdag pa na lahat ng nakatrabaho ni Regine na musical director ay kasama kaya raw siguro mahal dahil pawang de kalidad ang MD at tiyak na mahal ang talent fees ng mga ito.
Special guests ang champions ng ABS-CBN tulad nina Erik Santos, Sarah Geronimo, Christian Bautista, Rachelle Ann Go at iba pa, at siyempre, kasama rin ang Pinoy Pop Superstar champions ng GMA na headed by Jonalyn Viray, Gerald Santos at ka-join din ang Starstruck survivors para sa production number.
"Bongga ang concert ng lola Regine kaya sobrang mahal ang tickets kasi syokot na baka malugi, e, sangdamakmak ang babayaran," tsika sa amin ng kampo ni Songbird. REGGEE BONOAN

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended