Kung tutuusin, pwedeng tanggapin ni Gloria ang offer ng GMA dahil wala naman itong kontrata at regular TV program ngayon magmula nang magpaalam sa ere ang Okey Fine!.... nung nakaraang Mayo. Meron man siyang dalawang programa ngayon, ang Pedro Penduko at Crazy For You, on a semi-regular basis lamang ito.
"Iba siyempre ang may regular kang pinagkakaabalahan," pahayag ni Gloria. "Hinahanap kasi ng katawan ko ang trabaho. Hanggat kaya ko pa, gusto kong magtrabaho," aniya.
Dahil sa magandang gesture at pagiging solidong kapamilya ni Gloria sa ABS-CBN, dapat lang talaga na alagaan siya ng husto ng Star Network.
Sa nakikita namin, maganda ang chemisry at bagay sina Sen. Mar at Korina at hindi naman siguro tatagal ng mahigit tatlong taon ang kanilang relasyon kung hindi sila nagkakasundo. Pero bakit kaya ayaw pang magpakasal ng dalawa? Whats keeping them?