Mas gusto si Luis kesa si Sam ng nanay ni Toni
October 6, 2006 | 12:00am
Kita namin ang pagbabago ng facial expression ni Sam Milby nang hingan ng reaction sa diumanoy sinabi ni Mrs. Pinty Gonzaga, Toni Gonzagas mom na between him and Luis Manzano, mas gusto nito ang huli para sa kanyang anak. Obvious na nasaktan ito sa narinig pero, itinago ang naramdaman by smiling.
"First time kong narinig yan and I really dont know what to say. I know, friend nila si Luis for a long time. Im not disappointed and I kinda expect it," sagot nito.
Kaya lang, napansin naming hanggang natapos ang interview, hindi nawala kay Sam ang faraway look. Ang interpretation namin, nasaktan siya sa narinig at sa mga darating na araw, malalaman natin kung gagawa siya ng extra effort para magustuhan pa ng Gonzaga family o magwi-withdraw at hahanap ng ibang maliligawan.
Siyanga pala, may improvement na ang Tagalog vocabulary ni Sam at dahil daw ito sa pagbabasa niya ng komiks.
Nasa PUP noong Monday si Sunshine Dizon. Hiniram siya ni Direk Carlo J. Caparas sa taping ng Bakekang at isinama sa iskwelahan. Naka-prosthetics pa ang actress dahil nagti-taping at kahit nakatakip ang mukha nang pumasok, sinalubong siya ng sunud-sunod na tawag ng pangalan niya sa teledrama.
Narinig na sinabihan si Sunshine ng mag-asawang Carlo at Donna Villa ng "Keep up the good work" at "Para sa yo talaga ang Bakekang." May binanggit pa raw si Donna na sana, i-promote pa ng husto ng GMA-7 ang teledrama para mas marami pa ang maging aware nito. Kung papayag daw ang network, siya ang magpapa-presscon.
Samantala, malayo na talaga ang narating ng Bakekang dahil ito ang topic sa Pugad Baboy comic strip ng Inquirer noong Tuesday, October 3. Natawa kami habang binabasa yun. Laugh trip sa amin yun. Ha-ha-ha! Nitz Miralles
"First time kong narinig yan and I really dont know what to say. I know, friend nila si Luis for a long time. Im not disappointed and I kinda expect it," sagot nito.
Kaya lang, napansin naming hanggang natapos ang interview, hindi nawala kay Sam ang faraway look. Ang interpretation namin, nasaktan siya sa narinig at sa mga darating na araw, malalaman natin kung gagawa siya ng extra effort para magustuhan pa ng Gonzaga family o magwi-withdraw at hahanap ng ibang maliligawan.
Siyanga pala, may improvement na ang Tagalog vocabulary ni Sam at dahil daw ito sa pagbabasa niya ng komiks.
Narinig na sinabihan si Sunshine ng mag-asawang Carlo at Donna Villa ng "Keep up the good work" at "Para sa yo talaga ang Bakekang." May binanggit pa raw si Donna na sana, i-promote pa ng husto ng GMA-7 ang teledrama para mas marami pa ang maging aware nito. Kung papayag daw ang network, siya ang magpapa-presscon.
Samantala, malayo na talaga ang narating ng Bakekang dahil ito ang topic sa Pugad Baboy comic strip ng Inquirer noong Tuesday, October 3. Natawa kami habang binabasa yun. Laugh trip sa amin yun. Ha-ha-ha! Nitz Miralles
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am