Naging super successful ang one month tour ni Sarah sa America last August. As in lahat ng puntahan niyang lugar sa America, parating puno ang venue.
In fact, standing ovation pa nga raw ang binibigay ng mga kababayan nating Pinoy lalo na pag kinakanta na niya ang Bituing Walang Ningning kung saan siya ang major star na magtatapos na ngayong gabi. Hindi pa man daw nag-uumpisa ang show, Dorina na ang isinisigaw ng mga tao.
Nakarating si Sarah ng San Diego, California, Los Angeles, San Francisco, Alaska, Chicago, Honolulu and Maui.
Si Sarah din ang kauna-unahang Filipino performer na nagtanghal sa Harris Theater for Music and Dance of Millennium Parks sa Chicago. Bago ang nasabing theater ay iilan pa lang ang nakakapag-concert doon.
Hindi rin siyempre malilimutan ang cancer patient na nakiusap kung puwede niyang mapanood si Dorina (character ni Sarah sa Bituing Walang Ningning) na kasalukuyang naka-confine noon sa isang hospital sa Los Angeles. Ang ginawa, binitbit ang lahat ng mga nakakabit sa hospital bed ng pasyente at isinakay sa van para lang makita ang inaabangan nitong si Sarah sa concert nito.
"After niyang makita si Sarah, sinabi agad niyang puwede na siyang mamatay," recalled ng companion ni Sarah.