Di naman kataka-takang maging bukang-bibig ang itinuturing na hottest musical tandem. Napapanood sila sa mga major music video channel, naririnig sila sa radyo, nababasa sila sa mga pangunahing magasin at dyaryo at napapanood sa pinaka-popular na programa sa TV.
Matapos ang kanilang matagumpay na US tour, pupunta naman sila sa apat na major areas sa bansa para iparinig pa sa mas maraming Pinoy ang kanilang signature music.
Manghaharana ang MYMP (or Make Your Momma Proud) sa CPU Gym, Iloilo City, Okt. 13; De La Salle Gym, Bacolod, Okt. 14; Folk Arts Theater, Manila, Okt. 20 at The Waterfront Hotel, Cebu City., Okt. 28. Lahat ng palabas ay magaganap sa 8NG. Lahat ng kikitain sa nasabing mga palabas ay mapupunta sa Eye Bank Foundation.
Pinamagatang MYMP, The Sentimental Tour 2006, magiging special na guest ng dalawa si Nyoy Volante na nagsabing maraming beses na niyang nakasama sa show ang dalawa. Makikipag-jamming siya sa kanila, kasama ang kanyang gitara.
Samantala, inilunsad na ng Vicor Music ang bagong album ni Nyoy, ang "Now Hear This", isang 10 track CD na lahat ng awitin ay sinulat ni Nyoy habang in love na in love kay Soul Siren Nina. "Hindi ko sinasadya pero, lahat ng awitin ko ay sinulat ko na si Nina ang nasa isip ko. ("Ha", ang carrier single, "Now Hear This", "Nandito Lang" collaboration nina Nyoy at ng gitarista niyang si Steve Gonzales, "Kundi Man", "Ayoko Na", "Without You", "Maghihintay", "Sobra-Sobra" at marami pang iba)."
Kasama rin sa album ang bagong banda ni Nyoy na dinadala ang kanyang pangalan. Myembro nito sina Steve, Maynard Albis on drums, Abe Silva on bass at Juliet Perez on violin.
"Our sincerest thanks to ABS CBN, Star Magic, ABC5, Klownz, Zirkoh, The Library, Sitcom Live, SK PRODS., ARVI Prods., MOMS, S-FILES, Reality Entertainment, Days with the Lord, Boyet Marinas of Hairwatch, Efren & Mimi Lapus, Solis Family, Dori Pangilinan, Tessie Tomas, Vice Mayor Herbert Bautista, Rudy Fernandez, Lorna Tolentino, Sen., Ramon Revilla, Sr., Gov. Mark Lapid., Sen. Lito Lapid, Maricel Soriano, Ms. Malou Santos, Olive Lamasan, Eugene Domingo, Candy Pangilinan, Mr. & Mrs. Tony Tuviera, Kris Aquino, Sen. Jinggoy Estrada and most especially to Lani Mercado & Sen Bong Revilla," sabi nila.