^

PSN Showbiz

Iiwan ng asawa kapag pumasok ng pulitika!

-
Malaki ang hinanakit ni Direk Carlo J. Caparas sa administrasyong Arroyo dahil hindi niya napigilan ang sariling mag-comment nung ipagdiwang ng Polytechnic University of the Philippines o PUP ang kanilang 102nd foundation day na ginanap mismo sa loob ng iskuwelahan na may temang Responding to the Challenges of World Peace and Globalization.

Binatikos ng kilalang nobelista, director at producer ang ilang opisyales ng gobyerno dahil mas inuuna raw ang sarili kesa makatulong sa mga nangangailangan.

"Mabuti pa ang mga akyat-bahay gang, naghihirap muna bago makapagnakaw dahil sisirain muna nila ang bahay na papasukin nila para makuha ang gusto, nagpapawis muna sila bago makapagnakaw, e, ang ilang opisyales ng gobyerno ngayon, pipirma lang at dadalhin sa tresorero ang papel na pinirmahan, instant cash na. Kaninong pera ba ang kinokolekta nila, di ba sa taumbayan, sa atin dahil sa mga buwis na kinakaltas sa ating mahihirap?

"Madali lang silang magkapera, aakyat lang sila sa mayor, o sa City Hall, magkakapera na, tayo, kailangan nating kumayod ng husto para magkapera." Isa sa maanghang na salitang pinakawalan ni direk Carlo sa harap ng 52,000 mag-aaral at 3,700 guro ng PUP.

At dahil sa mga katiwaliang ito ay gustong pasukin ni direk Carlo ang pulitika para maski paano ay may maituwid siya pero naiba ang desisyon niya dahil binantaan siya ng kanyang maybahay na si Ms. Donna Villa na iiwanan siya kasama ang dalawang anak kapag kumandidato siya.

"Ayaw kasi ni Donna ng pulitika magulo, kasi nga naman ang pamilya niya ay galing din sa pulitika. Maari naman daw silang tumulong sa mga nangangailangan maski wala sa puwesto," ito ang paliwanag ng confidante ng mag-asawa na si Ms. Nene Mercado.
* * *
Tsismoso ang dating sa amin ng pangalawang scholar na napalayas sa Pinoy Dream Academy na si Geoff Taylor dahil kung anu-ano ang pinagsasabi on air nung on the spot siyang tanungin ni tv host Bianca Gonzales kung sinu-sino sa kapwa scholars niya ang may bad habit sa pagtulog tulad ng paghihilik at nanaginip na nagsasalita.

"Sa girls po, si Joan ang humihilik kasi inamin niya sa amin, sa boys po, si Davey at nagsasalita pag nanaginip," nangingiting kuwento ni Geoff.

Pa-cute ang pagkakakwento ng binata, pero hindi maganda ang dating sa iba lalo na sa fans ng dalawang nasa loob ng akademya.

In fairness, mas nagustuhan namin si Geoff ngayong nasa labas na siya ng academy dahil mas lumakas ang appeal niya dahil mas nagsa-shine siya ngayon ng husto at puwede siyang isama sa Maging Sino Ka Man bilang kapatid ni Sam Milby.

Samantala, bestfriend pala ni Geoff ang 3rd timer nominee for expulsion na si Oona Barretto kasama sina 2nd timer Kristoff Abrenica at Yeng Constantino at first time naman ni Davey Langit.

Among the four nominees ay si Davey ang sa tingin ng binatang mapapalayas ngayong Sabado, pero ayon naman sa nakararami, si Oona na ang mamamaalam. — Reggee Bonoan

BIANCA GONZALES

CHALLENGES OF WORLD PEACE AND GLOBALIZATION

CITY HALL

DAHIL

DAVEY

DAVEY LANGIT

DIREK CARLO J

DREAM ACADEMY

GEOFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with