Obviously, sinunod ng girlfriend ni Erik Santos ang payo ng press dahil isang TV reporter ang isa sa kanyang customer. Ipinakita sa amin ng TV reporter ang cellphone na may nakadikit na three blue borloloy at binili raw niya kay Rufa Mae for P150. Ibig sabihin, P50 ang isa na dahil maliliit, nag-comment kami na may kamahalan. Tiyak na isasagot ng dalaga na kaya mahal dahil galing sa Hongkong ang kanyang materials.
Kahit tuluy-tuloy ang taping, siniguro ni Richard na matatapos sa itinakdang schedule ni direk Joel Lamangan ang shooting ng Mano Po 5: Gua Ai Di (I Love You). Kaya raw niyang mag-lagare sa dalawang project dahil ginawa na niya ito.
Big blessings kay Richard ang pagdating ng pelikula ng Regal at entry pa sa Metro Manila Film Festival. Wala sa plano niyang gumawa ng movie at focused siya sa CB pero, hindi natanggihan ang offer dahil maganda ang script, si Joel ang director at muli niyang makaka-pareha si Angel. Hindi pala sila nagkikita kaya, panay ang kumustahan sa storycon.
Nagtampo si Sandy nang maiwan ng grupo dahil di nila alam na nasa loob pa siya ng restroom. Ayun, nang balikan, ayaw lumabas at ayaw nang sumama. Pinakiusapan ni Joseph ang tao sa restroom na lumabas muna habang sinusuyo ito, nang malaman nito na inis na ang mga naghihintay ay saka pa lang lumabas ang dalaga. Di ko alam kung nag-sorry sa mga naapektuhan sa pagta-tantrums niya.
Bakekang (Sunshine Dizon) na nakalabas sa pagkakakulong nang piyansahan ni Christoph (Jay Manalo).
Pero, ikinagalit ni Valeria (Sheryl Cruz) ang ginawa ng asawa at gagawa ito ng paraan para di makasali si Kristal sa audition pero, ito ang napiling endorser ng milk products.
Seven years old na sina Kristal at Charming (Yasmien Kurdi) pero, ang una lang ang may handa. Pero, lumabas ito nang dumating ang ninong Christoph niya. Bongga naman ang birthday party ni Lorraine (Nadine Samonte). Away ang resulta nang magkita sa TV station sina Kristal at Lorraine.