^

PSN Showbiz

Boring nga ba ang Philippine Idol?

- Veronica R. Samio -
Sabay na sabay sa pagsisimula ng Philippine Idol ang muling pagkakaro’n ng brownout sa lugar ko. Mabuti na lang at ilang minuto lang ito nagtagal, napanood ko pa rin yung ginawang announcement ni PI host Ryan Agoncillo na walang matatanggal sa linggong ito dahil marami ang hindi nakapag-text dahilan sa kawalan ng kuryente sa maraming lugar. Kundi isa sa tatlong kandidato na nasa bottom 3 ang natanggal sana – Arms Cruz, Mau Marcelo at Jeli Mateo. A day before sa performance night na kung saan nanood ako ng live sa Cinema 3 ng Megamall, pumili rin ako ng aking bottom 3.

In fairness, magaling naman ang naging performance ng 12 bagaman at obvious na talagang mayro’ng hindi nag-shine.

Next week, dalawa ang tatanggalin at kahit tinanggap ko na paramihan ng text votes ang determining factor at kahit ulit-ulitin ng mga judges na pwedeng manalo ang alinman sa 12, mayro’n pa ring talagang pinaka-magagaling sa grupo.

During the presentation, sinabi ni Mr. C (Ryan) na boring ang show at nilinaw niya na ang ibig niyang sabihin ay nakaka-bore dahil pawang magagaling ang naglalaban-laban, mas gusto kong paniwalaan na nakaka-bore ang PI dahil predictable ang result, alam mo na ang mga least na magagaling ang namamayani, yung mga may pera, may kakayahang mag-text.
* * *
Akalain mo, nakakalimang taon na pala ang Cosmetique Asia, ang gumagawa ng Silka Papaya, ang produktong ini-endorso ngayon ni Iya Villania, at dati nina John Lloyd Cruz, Sitti at ang dating magdyowang Joross Gamboa at Roxanne Guinoo.

Nagsimula lang ang kumpanya sa Silka Papaya, isang whitening soap, ngayon meron na silang Papaya Lotion, orange and green, Green Papaya Soap, All Papaya Skin Care Line, Juicy Cologne at Silka Papaya Whitening Pearl Cream.

Isang thanksgiving party ang ibinigay ng Cosmetique Asia sa media at mga supporters nila on hand to host the affair were Alex Janssen Co, CEO, Juanito Co, Marketing Mgr., Finance, Hennie Co, Marketing Mgr., Jane Co, Sr. Product Mgr., Jasmin Cruz, Brand Mgr at John Claveria, Sales Mgr.
* * *
Isa siguro ang lugar ko sa pinaka-huling nagka-kuryente. Habang sinusulat ko ito ay wala pa rin kaming cable.

Nahuli ako ng typhoon Milenyo nang hindi handa pero, itong ibinabalitang typhoon Neneng na darating daw bukas ay pinaghahandaan ko na. Meron na akong mga kandila, gas para sa mga gasera. At sapat na ulam na hindi napapanis. Ibinaba ko na rin ang mga emergency lights ko at bukas, mga pamaypay naman ang hahanapin ko. Mabigat ipamaypay yung cardboard.
* * *
Yung pamangkin ko na nawalan ng bahay sa Sunny Brook Subd. sa Gen Trias. Cavite ay nanlulumong nagkwento na binisita nga sila ng kanilang gobernador at mayor sa kanilang lugar pero, wala namang ibinigay na tulong sa kanila. Hinihiling na lamang nila na sa pagdating ni PGMA ay mayro’n na silang maaasahang tulong.

Paano nga pala makaka-avail ng loan yung mga nabiktima ng bagyo kung hindi naman sila myembro ng Pag-ibig o anumang ahensya ng gobyerno? In fairness, tumanggap naman sila ng dalawang kilong bigas, dalawang lata ng sardinas at dalawa yatang balot ng noodles nung nasa clubhouse sila at nagpapalipas ng sama ng panahon.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ALEX JANSSEN CO

ALL PAPAYA SKIN CARE LINE

ARMS CRUZ

CENTER

COSMETIQUE ASIA

MARKETING MGR

SILKA PAPAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with