Maliwanag naman ang sinabi ni Jackie, walang problemang namagitan sa kanila ng mga kasama niya sa Sexbomb. Yon daw ginawa niya ay isang career move lamang. Talaga namang totoo iyon. Hindi naman natin maikakaila ang katotohanan na bumagsak ang popularidad ng Sexbomb nang mawala sila sa Eat Bulaga. Kilala kasi sila bilang mga dancers, eh ang ginawa naman ng manager nila ipinag-produce sila ng drama. Ngayon nagiging guests na lang sila sa kung saan-saang shows.
Wala na silang masasabing show nila talaga bilang mga dancers.
May ipina-plug pa silang bagong plaka nila, pero saan nga ba maririnig iyon ng mga tao? Hindi kagaya noong araw na ang mga kanta nila ay naririnig araw-araw sa Eat Bulaga, at napakalaking bagay noon.
Yang kaso naman kasi ng Sexbomb, maling diskarte lang iyan eh. Ang akala nila mapupuwersa nila ang management ng Eat Bulaga na sumunod sa kagustuhan nila, kaso hindi pala ganoon. Naniwala sila na sapat na ang popularidad ng grupo para makapagdikta sila sa kanilang producers, kaso mali rin pala.
Yan ay isang kasong sinasabi nga nilang manok na nagtampo sa palay.
Kung yang Sexbomb ay may nalipatan, halimbawa eh kinuha sila ng kalabang show ng Eat Bulaga, o kaya ay nagkaroon sila ng isang bagong programa sa telebisyon na lumakas, masasabing tama sila. Pero ngayong wala na silang mapuntahan, sino nga ba ang magsasabing tama ang diskarte nila?
Isa si Lucy sa mga nag-alay ng bulaklak sa imahen ni Santo Padre Pio. Talagang nakipila siya kasama ng maraming mga taong nag-aalay ng bulaklak. Iyon ang maganda kay Lucy eh, hindi siya iyong naghahanap ng VIP treatment.
Hangang-hanga kay Lucy ang mga tao sa Santo Tomas, Batangas dahil sa kanyang magandang ugali.
Bago ang misang iyon, magkakaroon ng prusisyon sa ganap na 4NH mula sa parokya patungo sa site ng itinatayong national shrine ni Padre Pio.