Sa tulong ng TFC World Tours na pinangungunahan ni Mickey Muñoz, magkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino sa Australia na makahalubilo ang mga stars tulad nila Pokwang, Vhong Navarro at siyempre, sila Piolo Pascual at Claudine Barretto sa annual multi-awarded multicultural event na ito ipapakita ang talents ng mga Pinoy based in Australia.
Kinilala ng Public Relations Commission of New South Wales bilang isa sa mga pinakamalaking ethnic festivals sa buong Sydney, ang Fiesta Kultura ay magpapakita ng ibat ibang panig ng kultura ng Pinoy.
Kamakailan, dinala na rin ng TFC World Tours sila Piolo, Rica Peralejo at Pokwang sa Europe para mag-perform sa Madrid, Rome, Paris, Athens and Oslo, Norway. Si Claudine at Kris Aquino naman ay sa Los Angeles ipinasyal ng TFC World Tours para sa world premiere ng hit na hit na Sukob.
Isa lang ito sa mga darating na shows ng TFC sa ibat ibang parte ng mundo. Para sa schedules, maaring puntahan ang www.abscbnglobal.com.