Nicole, mana sa ina

Walang duda, mana sa nanay niyang si Jean Saburit ang mabilis na sumisikat ngayong si Nicole Anderson. Napapanood si Nicole sa SOP Gigsters tuwing Sunday, Majika, Maynila at iba pa. Hindi raw talaga mapigilan ni Jean ang kanyang anak sa pag-aarista. Paano naman daw niyang pipigilan ito eh siyempre nagmana ito sa kanya.

Ang kahilingan lang ni Jean, huwag pababayaan ng anak ang pag-aaral nito. Nangako naman si Nicole. Mahirap nga naman yung ang ganda-ganda ni niya, tapos, wala man lang college degree na maipagmamalaki.

‘‘Noon pa kay Kuya Germs, nagsisimula na yan sa That’s Entertainment,’’ napapangiti si Jean habang nagkukuwento dahil minsan sinasamahan pa niya ang kanyang anak doon. Natutukso tuloy siyang isang stage mother.

Mahal ni Jean si Nicole at ayaw pa niyang ma-in-love ito. Bata pa ito, only seventeen at gusto niyang mag-enjoy muna ito. Ayaw niyang maparis ito sa iba na maagang nag-asawa at pagkatapos ay maaga ring maghihiwalay.

Kamakailan ay nanalo ito ng P200 Thousand sa All Star K nina Allan K at Jaya. Hindi raw ginastos ni Nicole ang napanalunan, itinago niya ito.

May pangakong project ang manager niyang si Annabelle Rama, na next year na isang Valentine’s Day movie kaya’t dibdiban ang paghahanda nito ni Nicole. - —Vir Gonzales

Show comments