Mas maliit ang allowance ng PDA scholars kesa sa PBB housemates

Parehong out of the country ang magulang ni Kristine Hermosa na sina Allan at Mai Orille kaya’t ang ate Kathleen Hermosa ng aktres ang sumagot sa isyung ibinibenta na ang bahay ng kapatid sa Loyola Grand Villas, La Vista, QC.

Ang paliwanag ni Kathleen sa amin ay, "Ate Reggs, saan ba galing ang isyung ‘yan, hindi naman true. At saka ‘yung dating nasulat na na-remata, paano mangyayari ‘yun, e, ahead of time nga kami magbayad kasi thru bank ‘yun at kababayad lang uli namin at kung hindi ako nagkakamali ay more than P1 million na lang ang balanse at tapos na.

"Paano na-remata at saka bakit ibebenta? Hindi totoo ‘yan ate Reggs, kaya nga nagtataka kami kung bakit may mga ganyang isyu, eh. Ang alam ko noon, pina-appraise ni mama kung magkano itong bahay, pero hindi para ibenta, para malaman niya kung magkano na ang value nito."

At nagpadala na rin ng statement sa amin ang Star Magic na, "Hindi ibinibenta ang bahay ni Kristine contrary to reports."

Nakausap naman namin ang nagsulat ng isyung ibinibenta ang bahay, "May nagpadala ng text message sa akin at may broker sa bahay, wala akong nasulat na kumpirmado, patanong nga, eh."
* * *
Deretsahang inamin ni Jun Hirano, ang nag-voluntary exit sa Pinoy Dream Academy na para sa kanya ang mananalo sa PDA ay si Yvan Lambatan at ito rin ang bet niya kung saka-sakali, "I think, it’s Yvan, he’ll be the grand winner because he’s more talented, he’s good in singing and composing songs, know how to dance also. He’s my bet," aniya.

Katwiran namin kay Jun ay nominado para mapalayas sa academy si Yvan kasama sina Rosita, Chai at Panky ngayong Sabado kaya paano pa siya magiging grand winner?

"He’ll be saved by the people, he’ll be safe....," seryoso niyang sagot.

At muli naming tinanongsi Hapon kung bakit hindi ang bestfriends niyang sina Eman at Jay-R ang pinili niyang manalo, "Yvan is more talented," one line uli ni Jun.

By December ay muli siyang babalik ng Pilipinas para sapagtatapos ng Pinoy Dream Academy.

Maliit lang pala ang allowance ng mga PDA scholars kumpara sa PBB housemates noon kaya nagulat kami nung malaman namin kung magkano ang maiu-uwi ni Jun na pera good for a month stay in the academy.

Pero hindi iyon ang importante kay Jun, "The experience, the friends, the people around, I enjoyed being with them, but I want to go home now, I want to see my girlfriend and family," saad pa. – REGGEE BONOAN

Show comments