Jackie Rice, napag-iwanan na ng kapwa niya pasaway na si Iwa Moto!

Artista na rin si Christian Bautista dahil kasama siya sa cast ng Mano Po 5 ng Regal. Hindi siya mahihirapan sa kanyang role dahil singer din ang ipo-portray niya na ipinagkasundong ipakasal kay Angel Locsin pero, ayaw nito. Acting piece ito dahil makakaribal niya si Dennis Trillo sa actress sa istorya.

Hindi na bagito sa acting si Christian dahil lumabas na siya sa Kampanerang Kuba ng ABS-CBN at umapir na siya sa ilang stage plays. Bale, ipagpapatuloy lang niya ang nasimulang acting career. Kahapon ginanap ang story conference at mas naliwanagan ito sa kanyang role.

Halong Kapuso at Kapamilya stars ang cast ng movie as always at sina Christian at si Aiai delas Alas ang representative ng Dos. Si Joel Lamangan na ang director nito after mag-beg off si Jun Lana dahil sa conflict of schedule.
* * *
Hindi magugustuhan ni German Moreno ang binanggit ng officers ng Actors Guild of the Philippines na kaya delayed ang Star Olympics dahil kulang sa pondo. Nadinig kasi namin sa TV host na pinalitang presidente ni ER Ejercito na may enough funds ang guild na kanyang iiwanan kaya, hindi mamomroblema ang susunod na pamunuan.

Anyway, gusto namin ang slogan ng Star Olympics this year na One Force, One Water bilang suporta sa panawagan for a clean and protected water supply. Kasama ang Actors Guild sa hindi pabor sa balak na itatayong house project sa loob ng La Mesa reservoir.

Ipinaalam na pala ni ER Ejercito ang kanyang pagbabalik-pelikula via Gen. Emilio Aguinaldo to be directed by Joel Lamangan. Inaayos na raw ang script at nagpapapayat na siya bilang paghahanda sa shooting.
* * *
Pinagkukwentuhan ng press ang kaso nina Jackie Rice at Iwa Moto dahil after their suspension, ang huli pa lang ang talagang nakabalik. Ang feeling ng press, mas grabe ang nagawang kasalanan ng una dahil hindi na siya ibinalik sa Fantastikids.

Si Iwa nga nama’y may Love to Love (Jass Got Lucky), Bakekang, Nuts Entertainment at Posh sa QTV 11. Si Jackie na Ultimate Female Survivor ng StarStruck 3, naggi-guest lang sa mga show ng GMA-7. Aba’y nasulat lang siya dahil sa diumano’y sila na ni Biboy Ramirez at pagkatapos noon, nanahimik na naman siya (magkasama pala ang dalawa na dumalo sa birthday party ni Jun Nardo last Sunday sa Zirkoh Timog).

Kung nasa presscon siya ng Till I Met You, tatanungin namin ito sa nararamdaman sa nangyari sa kanyang career. Malapit na ang StarStruck 4 The Next Level at wala pa siyang naipapakitang galing at impact sa tao maliban sa pagiging pasaway. Baka, hindi pa man sikat ay laos na siya.
* * *
Dalawang kanta pa lang sa Atlantika ang sinabi ni Direk Mark Reyes sa amin. Ito’y ang "Maghihintay Ako" na kinanta ni Regine Velasquez at ang Atlantika Theme na "Konte Varkka." Hindi pa namin naririnig ang huli na ayon kay direk, kasing-lakas ng impact ng kanta ni Bayang Barrios sa Encantadia.

Excited na ang Kapuso viewers sa pagdating ng bagong telefantasya sa October 2. Walang tulugan na naman ang drama ng cast at staff sa tuluy-tuloy na taping. Ang daming binanggit na location sa amin at may Anilao, Batangas pa. Ang pinaka-main set ay sa Mariwasa sa Pasig, tabi ng set ng Encantadia.

Dahil din sa Atlantika, hindi naka-attend si Iza Calzado sa wedding ng kapatid ng boyfriend niyang ai Jerry Garcia sa States. Hindi siya pinayagan ng management at naintindihan ito ng dalaga. Magkikita rin naman sila ng bf dahil darating ito para bisitahin siya.

"Ito ang bagong handog ng Ch. 7 sa viewers at sana, magustuhan at suportahan ninyo. Kakaiba ito dahil ang powers namin, may kinalaman sa tubig. Ako, as Cielo, nako-control ko ang tides at isa ako sa mga babaing hinahanap ni Aquano," sabi ni Iza.

Show comments