Aktres, mahilig manduro ng katulong
September 25, 2006 | 12:00am
Naikwento ng isang source na mabait naman sa katulong ang aktres na isa ring direktora. Kaya lang, kapag nagalit ito ay nanduduro sa mukha ng maid at pipindut-pindut pa ang ilong ng katulong.
Kaya kapag nagsisisigaw na ito at may iuutos ay takot na ang mga katulong lalo na kapag ipinatawag sila para sermunan.
Isa ito sa pinakamagaling na aktres na nagdidirek din ng pelikula.
Inamin ni Jean Garcia sa presscon ng Atlantika na wala na siyang balak na makipagbalikan kay Gardo Verzosa. Tinuldukan na nito ang kanilang relasyon at hanggang kaibigan na lang ang turing niya rito.
Hindi rin totoong nagkakailangan sila sa set ng aktor ayon pa sa aktres kundi nagko-concentrate lang sila sa pagbasa ng script.
"Loveless pa rin ako ngayon at nag-iipon akong mabuti dahil pangarap ng aking anak (Jenika) na mag-aral sa Amerika at dun magtapos ng kolehiyo. Fourth year high school na siya sa OB Montessori. Shes 16 years old at apat na taon naman ang bunso ko," aniya.
Mag-asawa ang papel nina Gardo at Jean bilang Hari at Reyna ng Atlantika.
Hindi pa nakakasama ni Dennis Trillo si Jennylyn Mercado na bago niyang leading lady sa Dangal ng Now and Forever sa anumang proyekto. Pero inaming excited siya sa bago nilang tambalan.
"Maganda naman yung paiba-iba ng kapareha para di ako pagsawaan ng mga manonood. Bilang artista, kailangan ding marunong kang mag-adjust kahit sino ang ka-partner mo. Gusto kong maging maganda ang chemistry namin ni Jen. Its a dream come true din na makasama si Ms. Cherie Gil dahil nagagalingan ako sa kanya. Respetado ko siya bilang multi-awarded actress.
Balik-fantaserye si Bianca King sa Atlantika kung saan gagampanan nito ang role ni Xera bilang natatanging babaeng Senturyon.
"Gustung-gusto ko ang role dahil certified diver ako. Magkakaroon ako ng mga fight scenes kaya bilang bahagi ng extensive physical regime ay magkakaroon ako ng hand-to-hand combat training sa pagtuturo ng isang dating Navy officer at ako lang ang babae sa cast. Kailangan din na may training sa scuba diving pero nag-training na ako under Scuba World sa Boracay.
Kasama rin si Bianca sa Love To Love Season 12 na Jass Got Lucky bilang kontrabida ni Lovi Poe. Kahit abala sa showbiz commitment ay busy rin ang aktres sa pag-aaral kung saan second year na ito sa kursong Arts and Management.
Kaya kapag nagsisisigaw na ito at may iuutos ay takot na ang mga katulong lalo na kapag ipinatawag sila para sermunan.
Isa ito sa pinakamagaling na aktres na nagdidirek din ng pelikula.
Hindi rin totoong nagkakailangan sila sa set ng aktor ayon pa sa aktres kundi nagko-concentrate lang sila sa pagbasa ng script.
"Loveless pa rin ako ngayon at nag-iipon akong mabuti dahil pangarap ng aking anak (Jenika) na mag-aral sa Amerika at dun magtapos ng kolehiyo. Fourth year high school na siya sa OB Montessori. Shes 16 years old at apat na taon naman ang bunso ko," aniya.
Mag-asawa ang papel nina Gardo at Jean bilang Hari at Reyna ng Atlantika.
"Maganda naman yung paiba-iba ng kapareha para di ako pagsawaan ng mga manonood. Bilang artista, kailangan ding marunong kang mag-adjust kahit sino ang ka-partner mo. Gusto kong maging maganda ang chemistry namin ni Jen. Its a dream come true din na makasama si Ms. Cherie Gil dahil nagagalingan ako sa kanya. Respetado ko siya bilang multi-awarded actress.
"Gustung-gusto ko ang role dahil certified diver ako. Magkakaroon ako ng mga fight scenes kaya bilang bahagi ng extensive physical regime ay magkakaroon ako ng hand-to-hand combat training sa pagtuturo ng isang dating Navy officer at ako lang ang babae sa cast. Kailangan din na may training sa scuba diving pero nag-training na ako under Scuba World sa Boracay.
Kasama rin si Bianca sa Love To Love Season 12 na Jass Got Lucky bilang kontrabida ni Lovi Poe. Kahit abala sa showbiz commitment ay busy rin ang aktres sa pag-aaral kung saan second year na ito sa kursong Arts and Management.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended