Pero liwanagin natin na kung kumita man ang festival ng limampung milyong piso, hindi naman lahat yan ay mapupunta sa mga beneficiaries ng festival. Una, masyadong marami nang naghahati sa kita ng festival kaya barya-barya na lang halos ang napupunta sa bawat isa.
Ikalawa, para kumita ng ganoon kalaki ang festival, magkano naman kaya ang kanilang gagastusin para mairaos ito? Yan ang isang bagay na matagal na naming tinatanong. Pagkatapos ng festival, sinasabi lamang nila kung magkano ang naiaabot nila sa mga beneficiaries, pero hindi nila kailanman sinabi sa publiko kung magkano ang gastos nila sa pagdaraos ng festival. Noon ang sinasabing kita lamang ng festival ay iyong mula nga sa taxes na ibinabalik sa kagandahang loob ng mga mayors sa Metro Manila. Ngayon may iba pa silang kita dahil napakaraming sponsors ng festival. Yan ba eh isinasali sa kuwenta?
Napakasaya noong launching concert nila. Hindi lang nagpapalakpakan ang mga taong nanonood, talagang lahat sila ay nagsasayawan pa sa harapan ng stage.
Kitang-kita din namin na nakapila ang mga taong bumibili ng CD. Palagay namin yang album na iyan, hindi aabutin ng isang buwan gold na agad.
Pero ngayong Sabado, Setyembre 23, na siyang tunay na araw ni Padre Pio ay mayroon ding isang natatanging healing mass, 9NU-6NG.
Maaari ninyong isama ang inyong mga kaanak o kakilalang may sakit, upang sa pamamagitan ng panalangin at pamamagitan ni Santo Padre Pio sila ay magtamo ng kagalingan sa kanilang mga tiisin. ED DE LEON