Star Olympics na!

Ang taunang Star Olympics na pinangangasiwaan ng Actors’ Guild of the Philippines, Inc. sa pamumuno ng bagong halal na pangulo ng lupon na si Mayor E. R. Ejercito ng Pagsanjan, Laguna ay opisyal magsisimula sa araw na ito, Sabado (September 23) sa Rizal Memorial Sports Complex Badminton Court, 8NU.

Sa Oktubre 1, 2006 (Linggo) naman gaganapin ang basketball at volleyball matches sa Pasig Sports Complex, 8NU (katabi ng Pasig City Hall).

Sa gabi ng Oktubre 1 ay mapapanood ang mga kaganapan sa Pasig Sports Center sa umaga sa ABS-CBN Channel 2 gayundin ang ikalawang bahagi na ipapalabas din ng Dos sa Oktubre 8.

Ang taunang Star Olympics ng Actors’ Guild of the Philippines, Inc. ay maituturing na isang espesyal na okasyon sa industriya ng local na aliwan.  Hindi lamang ito isang ordinaryong kumpetisyong pampalakasan kundi isa ring natatanging pagtitipon ng mga artistang kalahok upang higit na makilala ang bawa’t isa.

Para sa selebrasyon ng kanyang ikalawang dekada, espesyal ang magiging pagtatanghal nito.  Una na rito ang pagsuporta nito sa napapanahong adhikain ng Manila Water tungo sa preserbasyon ng malinis na tubig.  Kaya nga ang napiling slogan para sa taong ito ay: Star Oympics 2006: One Force...One Water.
* * *
Paalis ngayong araw na ito ng Sabado si Ruffa Gutierrez pabalik ng Istanbul, Turkey.  Isang linggo lamang siya namalagi ng Maynila para sa contract signing at grand presscon ng Philippines’ Next Top Model, isang reality-based program na naka-pattern sa America’s Next Top Model ni Tyra Banks na kanyang ihu-host simula sa Enero 2007.

Samantala, binanggit sa amin ni Ruffa na may balak silang mag-asawang ibenta ang Fashion TV-Turkey kung saang tumatayong presidente si Ruffa.  Mag-iisip na lang muli sila ng ibang negosyong papasukin. — ASTER AMOYO

Show comments