Di pwedeng pumayat si Ryan!

Mahigit 200 libras ang bigat ni Ryan Yllana, mabigat kung tutuusin para sa isang 24 taong gulang na kagaya niya. Pero, wala sa plano niya ang magbawas ng timbang. Una, kailangang mataba siya dahil nalilinya siya sa komedi. Ikalawa, ayaw ng girlfriend niyang si Ailyn Luna na pumayat siya. Katunayan, mukhang sinasamahan siya nito sa pagtaba.

Isang sumo wrestler ang role niya sa kanyang bagong programang Takeshi’s Castle para sa QTV11 na magsisimula na sa Lunes, Setyembre 25, 8NG. Naging popular na programa ito nung 80s at nagtampok kina Anjo Yllana at Smokey Manaloto. Kasama rin si Joey de Leon bilang kanang kamay ni Takeshi.

Mga bagong palaro, gimik at segment ang hatid ng Takeshi’s Castle. Tulad ng Great Wall Made in China, kung saan isang pader ang kailangang maakyat ng contestant para makapasok sa susunod na challenge; Alamo Challenge kung saan isang bundok ang aakyatin habang iniiwasan ang malalaking bato na inihahagis ng mga sundalo ni Takeshi.

Tatlumpung minuto ng kasiyahan, katuwaan at mga pakulo, kaya huwag nang magpahuli! — VERONICA R. SAMIO

Show comments