Tinatarget ang korona ni Celia
September 22, 2006 | 12:00am
Si Lyn Garcia na member ng Sexbomb ay mas kilala sa pangalang Sunshine Garcia at target niya ang korona ng premyadong si Celia Rodriguez.
"Gusto ko talagang magkontrabida noong una pa," kwento ni Sunshine. Napansin kasi niya, karamihan ng tinatarget ng mga nag-aartista ay role ng bida. Gustuhin man niyang magbida, mukhang wala dito ang swerte niya.
Malaking bagay kay Sunshine nung mabigyan ng role bilang abnormal na anak ni Beth Oropesa sa Daisy Siete. Nakuha niya ang atensyon ng manonood. Naawa sila sa sitwasyon niya, abnormal na minamaltrato pa.
"Nahirapan talaga ako. Kailangang tumutulo ang laway ko pag nagsasalita. At palaging nakayuko ako kapag naglalakad. Minsan nga, tapos na yung eksena, nakayuko pa ako. Biniro nga ako nina Rochelle, Jopay, Weng at Izzy na tumayo na dahil tapos na ang eksena," kwento ni Sunshine.
Noong makasama niya si Celia Rodriguez, nagka-idea siyang tularan ito. Hindi baleng kontrabida siya, basta maganda ang damit niya at ayos na ayos. Kulang na lang daw, aparador ang dala sa dami ng damit nito. At napansin ni Sunshine, suplada lang umarte si Manay, pero mabait sa tunay na buhay.
Napupuna nga ni Sunshine, marami ang naaasar sa kanya. Paano ba naman, kung hamakin niya si Rochelle Pangilinan, ganun na lan? Feel na feel naman niya ang galit ng mga fans.
Sa ika-12 episode ng Daisy Siete, Landas, itinutukso siya kay Reggie Curly dahil bigay na bigay daw ang love scene nila. Napatawa lang si Sunshine, may non-showbiz bf kasi siya, ganun din si Reggie. Vir Gonzales

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended