^

PSN Showbiz

Dahil kasal na raw, Jericho inilalapit na ang anak kay Heart?

-
Mukhang hindi maganda ang taong 2006 sa pamilya Rosales dahil after sampahan ng kaso ang mag-inang Rose at Jeremiah Rosales last week sa Pasig Prosecutors Office at kahapon sa kasong kidnapping sa Marikina Prosecutors Office ng ina ng mga anak ng struggling actor na si Jane Ethel Gonowon ay nakatakda namang sampahan din ng kaso si Jericho Rosales next week ng ex-model girlfriend niyang si Kai Palomares.

Si Kai ang ina ng 7-year old son ni Echo na si Santino Palomares-Rosales na itinanggi rin niya nung una, pero nagka-demandahan din kaya ngayon ay sustentado na ang anak sa halagang P12,000 a month.

Hindi pa binabanggit sa amin ng taong nakakaalam ng buong demanda ni Kai laban kay Jericho kung ano ang kaso dahil nag-uusap pa raw ang abogado at ang ina ni Santino.

May kinalaman daw ito sa bata na tila hindi na naman tinutupad ng aktor dahil katwiran nito ay bisi-bisihan siya.

At gaano rin katotoo na kapag ipinapasyal ni Echo ang anak ay kasama niya parati si Heart Evangelista para raw mapalapit na ang loob ng bata dito? Kaso ayaw na ayaw daw ng bagets na kasama ang aktres sa bonding session nila ng daddy niya.

May dahilan naman daw kasi kung bakit inilalapit na ni Echo si Heart sa anak niya, "E, kasi mag-asawa na sila, kasal na sila last year pa, hindi lang nila inaamin kasi maraming endorsements at siyempre ang career.

"Hindi pupwedeng itanggi ni Echo kasi ‘yung pamilya niya, maraming napagsabihan at ito rin ang dahilan kung bakit galit ang family ni Heart sa kanya dahil sa pagpapakasal nila ng sikreto.

"Alam ko, hindi pa ipinapasok ang papeles nila sa NSO, o baka sa ibang lugar ito nakatala," eksaktong kwento sa amin ng taong nakasubaybay sa buhay ni Jing (palayaw ni Jericho).

Bakit sunud-sunod yata ang hindi magandang nangyayari sa pamilya ng aktor at sa kanya na rin dahil matatandaang this year din ay sumemplang ang pelikula niyang Pacquiao, The Movie, hindi na siya talent ng Star Magic, lie-low siya sa pag-aartista dahil sa singing career ek-ek? May mga hinapis bang tao ang pamilya Rosales para sunud-sunod ang pagsubok sa kanila ngayon?
* * *
Hindi lang ang buong ABS-CBN at Pinoy Dream Academy staff ang nanghihinayang sa voluntary exit ni Jun Hirano ng Japan, kundi ang buong mundo na abot ang TFC dahil isa pala siya sa bet nilang maging 1st grand winner ng PDA.

Umamin ang 18 year-old Japanese PDA scholar kay headmaster Jim Paredes na hindi naman niya talaga choice na mapasama sa academy, it was his mom who pushed him to try sa audition and luckily the passed.

At ngayong nominated siya for expulsion ay na-depress na siya at umabot pa sa hindi na siya makapag-concentrate kaya nag-nosebleed pa. Umamin din ang bagets na sobrang miss na miss na niya ang naiwan niyang Japanese girlfriend na hinihintay na siya at pinangakuan niyang babalikan niya.

Nalaman din namin na nagbitiw pala si Jun sa kanyang girlfriend na hinding-hindi siya mai-in love sa kapwa scholar niya sa academy na tinupad naman din niya.

Samantala, bukas, Sabado ang huling performance ni Jun kasama ang grupo niya para kantahin ang sarili niyang komposisyon na "Arigato Tomadachi" at kinabukasan, Linggo naman niya iiwan ang academy at sa Lunes naman siya haharap sa ilang members of entertainment media at by September 29 ang lipad niya pabalik ng Japan kung saan naghihintay ang buong pamilya at girlfriend. - Reggee Bonoan

ARIGATO TOMADACHI

DAHIL

DREAM ACADEMY

HEART EVANGELISTA

JANE ETHEL GONOWON

JEREMIAH ROSALES

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with