"Nakakakaba, dahil alam ko naman na mas matagal na sila sa business at may mga napatunayan na sila. Pero, I consider it a big challenge na makipagsabayan ng akting sa kanila. I know I have to give an effort para naman di nila ako makain sa mga eksena namin," say ng magandang aktres na binigyan ng magandang role sa series bilang si Alta, isang mayamang babae na wala nang mahihiling pa sa buhay. Kasama niya ang mga mahal niya sa buhay, ang fiance na si Adrian (Dennis), ang mga kaibigang sina Celestine (Ciara) at Iyanna (Katya) at ang adopted sister niyang si Giovanna (Desiree). Ang hindi niya alam, may inggit sa kanya ang tatlo at magkakaisa ang mga ito na pabagsakin siya sa pamamagitan ng pagpaplano ni Chandra (Cherie), na sumumpang paghihigantihan ang pamilya niya.
Si Adrian ( Dennis) lamang ang sandigan ni Alta pero, totoo ba ang pagmamahal at intensyon sa kanya nito?
"O, di ba nakakatakot? Isipin ko lamang ang mga sasabakan kong eksena, tumatayo na ang balahibo ko pero, ang maganda, tinutulungan nila ako, sinusuportahan, lalo na si Direk Mac Alejandre na malaki rin ang tiwala sa aking kakayahan. Sana lamang di ko sila mabigo," ang dasal ni Jennylyn na ang lahat-lahat ng pansin ay nakatuon sa kanya at umaasang katulad sa Blue Moon ay mabibigyan din niya ng justice ang kanyang role at magagawa itong isang award winning performance.
"Salita ako nang salita ng vodavil pero di naman alam ng mga kabataan ngayon kung ano ito. Kaya naman nagprodyus ako ng isang ganitong uri ng show na mapapanood sa Club Mwah sa October 4, 8:30 NG," sabi ng Master Showman.
One thousand pesos lamang ang halaga ng tickets pero ang dami-dami namang performers Pilita Corrales, Dulce, Wing Duo, Bobby Soul, Jon Joven, Dex Derosa, Ramon Christopher, John Nite, Enrique Marcos, Jackielou Blanco, Shirley Fuentes, Shermaine Santiago, introducing si Izazuri Vidal at guests naman sina Christian Bautista, Dingdong Dantes, Karylle at ang Follies de Mwah.
Sa line up pa lamang ay alam mo nang interesting ang show.