Kung singing lang nga ang usapan, no comparison between Sarah and Angelika dela Cruz na magkalaban sa Bituing Walang Ningning. Surely, nakakakanta si Angelika pero iba ang timbre ng boses niya compared to Sarah na in demand sa concert scene at ilang platinum award na nga ba ang nasa collection niya ng award.
Kung sabagay, sa primetime sineserye lang naman ang nasabing tapatan kaya useless na i-compare sila.
I heard na dapat ay live ang ending ng Bituing Walang Ningning, pero na-extend ito. Mataas daw kasi ang rating.
Maganda ang ending. Nakakaiyak.
Very cooperative ang audience at obvious na followers sila ng programa dahil alam nila ang bawat flow nito.
After ng showdown, nagkaroon ng pasasalamat concert ang buong cast ng Bituin plus malalaking singers and stars ng ABS-CBN plus Aga Muhlach nag-speech as no. 1 endorser ng Jollibee na major sponsor ng nasabing concert.
Pero ang bottom line, si Sarah pa rin ang bida. Grabe ang importance na ibinigay ng ABS-CBN kay Sarah. Nanood pa ang mga top guns ng ABS-CBN - Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes and Mr. Deo Endrinal, Vivas Mr. Vic del Rosario among others.
Moment ni Sarah ang gabing yun. And she deserves it.
Ewan ko, pero parang pilit or put on ang mga social problems na lumabas sa movie dahil ang intention talaga is gumawa ng movie tungkol sa twilight dancers na hindi na gaanong uso ngayon.
Sa mismong pelikula na rin nanggaling na hindi na ang gay bar ang puntahan ngayon ng mga gustong manlalaki dahil, kahit saan nagkalat ang mga lalaking willing magpa-take out sa mall, sa kanto at kahit sa basketball court.
Common knowledge na ang kaso ni Tyron sa pelikula na isang dancer na iniwan ng magulang sa bahay ampunan pero may isang taong nagmagandang loob na ampunin siya (Allen Dizon) na isang macho dancer na ma-prinsipyo.
Kaya naki-join siya sa pagiging macho dancer ng kinamulatang kaibigan. Iisa ang pinapasukan nila. Pero mas bata nga si Tyron kaya siya ang in demand sa gay bar na pinagsisilbihan nila ni Allen na ang may-ari ay ang bading portrayed by Arnell Ignacio na regular performer si IC Mendoza as virgin na gay na nagbibigay ng kakaibang entertainment sa mga costumer ng gay bar.
Pero iba ang character ni Allen. May mga tinatanggihan siyang costumer pag-ayaw niya kaya ang ending, natsugi siya sa club. Eh yun pala may asawa siyang pipi na ginagampanan ni Ana Capri kung saan may isa silang anak.
Since si Tyron ang star sa nasabing gay bar, naging customer niya ang OFW na si William Martinez na naka-torrid kissing niya (gosh William Martinez making love with Tyron na dating matinee idol) na parating ipinagmamalaki na galing siya sa Saudi at dollar ang binibigay niyang tip sa kanyang nati-take home na dancer.
May reserved seats naman parati si Cherry Pie Picache na isang matrona na weakness ang mga batang dancer at hindi sa kanya nakaligtas si Tyron sa nasabing gay bar.
Naging regular ang set-up nilang dalawa at madalas ay magkasama sila. Pero may driver itong si matrona na dati rin niyang boy toy na dancer. Pero nahawakan niya sa leeg dahil ito palang matronang ito ay maraming connections at engaged sa illegal activities.
May participation si direk Joel Lamangan na isang mayor na kaibigan ni Cherry Pie na isa palang bading pero pamilyadong tao at isang corrupt politician.
Anyway, may twist don na dapat nyong panoorin.
May mas malalim pa kaming hinahanap sa pelikula dahil nga maraming similar movies na mas malalim ang kuwento.
Magaling na artista si Cherry Pie. No doubt about it. Kaya nga ang reaction ng mga nakapanood ng pelikula, bakit kailangan niya pang tanggapin ang role ng isang matrona na mahilig makipag-sex sa mga macho dancers.
Si Ana Capri naman na supposedly ay mute sa movie ay may pagka-OA ang acting. Say ng isang bading na nanood ng pelikula, hindi character ng isang mute ang ginampanan niya, dahil close to crazy woman na ang portrayal niya.
Si Direk Joel Lamangan na balitang tatakbo sa Cavite ay minus points sa candidacy niya ang role as a mayor na itinatago ang kabadingan pero akala mo ay strict na politician pag may ibang kaharap.
Si IC bagay ang character sa kanya.
Ganun pa man, graded B ng Cinema Evaluation Board ang pelikula na nakasali na sa Toronto Film Festival.
Showing na sa selected Metro Manila theaters ang Twilight Dancers sa kasalukuyan.