Didith Reyes, may tutulong na naman!
September 20, 2006 | 12:00am
Gusto kong pasalamatan si Richard B. Bucag, Computer Operator ng Consolidated Contractors Company W.L.L., Independent Water Steam Power Project (IWSPP), P.O. Box 276, Rabigh, KSA sa kanyang ipinadalang e-mail sa amin. Kung hindi pa sa kanyang e-mail ay hindi namin malalaman na ang kinatawan ng Pilipinas sa ika-56th Miss World na ginaganap ngayon sa Warsaw, Poland na si Anna Maris Igpit (19) ng Panglao, Bohol ay pumasok sa Top 20 ng Swimsuit Competition. Si Anna Maris ay isa sa tatlong Asian na pumasok sa Top 20 na kinabibilangan din ng Miss Singapore (Pereira Colleen Francisca) at Miss India (Natasha Suri).
Ang coronation night ng Miss World ay gaganapin sa darating na September 30. Si Anna Maris ay isinilang sa isla ng Panglao na kilala sa rich marine life at magagandang white sand beaches pero siyay lumaki sa Cebu City. Nasa second year college siya ng Bachelors Degree in Tourism at umaasa siyang makakapagpatayo ng sarili niyang travel agency balang araw.
Ang judging ng Miss World ngayon ay isa nang interactive kaya bukod sa mga star judges ay iku-consider na rin ang mga boto worldwide na puwedeng ipadala sa pamamagitan ng internet at texting. MW112 ang voting number ni Anna Maris sa Miss World at sa mga gustong iboto siya, i-type sa inyong cellphone ang MW112 at ipadala ito sa 2929 (Globe, Smart, Addict Mobile at Sun Cellular subscribers).
Ang successful businessman na si G. Leslie Reyes ng Reyes Haircutters (with over 200 branches sa buong Pilipinas at sa ibang bansa) ang aming nilapitan para matulungan ang gustong magbagong-buhay na si Didith Reyes na siyang nagpasikat ng mga klasikong awitin nung late 70s tulad ng "Araw-Araw,Gabi-Gabi," "Bakit Ako Mahihiya" at "Nananabik".
Hindi pa kami naghaharap-harap na kasama sina Leslie at Didith pero oras na itoy mangyari, hihilingin namin kay Didith na huwag niya kaming biguin dahil ayaw naming mapahiya kay Leslie na nangakong gagawin ang lahat na maibalik ni Didith ang kanyang respeto sa sarili at higit sa lahat, ang makakuha ng matinong trabaho at pagkakakitaan.
Ipinangako nito na iiwan na niya ang kanyang bisyo sa pag-inom at pagiging sumpungin.
Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Didith, naniniwala kami na kaya pa nitong makabangon sa kanyang pagkakadapa pero kailangan niya munang tulungan ang kanyang sarili. Aster Amoyo
Ang coronation night ng Miss World ay gaganapin sa darating na September 30. Si Anna Maris ay isinilang sa isla ng Panglao na kilala sa rich marine life at magagandang white sand beaches pero siyay lumaki sa Cebu City. Nasa second year college siya ng Bachelors Degree in Tourism at umaasa siyang makakapagpatayo ng sarili niyang travel agency balang araw.
Ang judging ng Miss World ngayon ay isa nang interactive kaya bukod sa mga star judges ay iku-consider na rin ang mga boto worldwide na puwedeng ipadala sa pamamagitan ng internet at texting. MW112 ang voting number ni Anna Maris sa Miss World at sa mga gustong iboto siya, i-type sa inyong cellphone ang MW112 at ipadala ito sa 2929 (Globe, Smart, Addict Mobile at Sun Cellular subscribers).
Hindi pa kami naghaharap-harap na kasama sina Leslie at Didith pero oras na itoy mangyari, hihilingin namin kay Didith na huwag niya kaming biguin dahil ayaw naming mapahiya kay Leslie na nangakong gagawin ang lahat na maibalik ni Didith ang kanyang respeto sa sarili at higit sa lahat, ang makakuha ng matinong trabaho at pagkakakitaan.
Ipinangako nito na iiwan na niya ang kanyang bisyo sa pag-inom at pagiging sumpungin.
Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Didith, naniniwala kami na kaya pa nitong makabangon sa kanyang pagkakadapa pero kailangan niya munang tulungan ang kanyang sarili. Aster Amoyo
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am