Hairdresser’s Association, naglunsad ng Hair for Guimaras Drive

Nagpahayag ng suporta at kooperasyon ang grupo ng Hairdressers Association sa ating pamahalaan para makatulong sa paglinis ng oil spill ng Guimaras sa pamamagitan ng pagdo-donate ng buhok.

Ang Hair for Guimaras Drive ay hindi limitado sa pagdo-donate ng buhok kundi pati na rin sa pagbibigay ng libreng livelihood training. Tutulungan din ang mga Guimaras residents na makahanap ng trabaho matapos ang training.

Ang Hair for Guimaras Drive ay inorganisa ng SOHAI president Linda Francisco, HACAP President Tess Atienza, Hair Asia’s Foundation Chairwoman Evelyn Alvaran-Cruz, Cavite Hairdressers Association represented by Edwin Samot at Philippine International Hairdressers Association (PIHA) President at Founder Les E. Reyes at EVP Fanny Serrano kasama rin ang L’oreal Philippines, Wella, Framesi and Schwarzkop.

Nakipagpulong kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sina Evelyn, Tess, Edwin at Les para sa isang dayalogo upang iprisinta ang proyektong ito. Kasama rin sa nasabing dayalogo sina Presidential Chief of Staff, Sec. Mike Defensor, Vice Admiral Arturo Gossingan ng Philippine Coast Guard, Candaba Mayor Jerry Pelayo, Mabalacat Mayor Boking Morales, Concepcion, Tarlac Mayor Villanueva at San Simon Mayor Digos.

Sinabihan ng President si TESDA Director Augusto Syjuco na tutulungan ang grupo sa pag-aayos ng livelihood training, gayundin sa pagbibigay ng trabaho sa mga dumaan na sa training.

"Magandang proyekto na magbibigay pag-asa sa mga kapatid natin sa Guimaras hanggang may mga taong hadang tumulong, walang problema na hindi malulutas. Walang obstacle na hindi malalagpasan. Concerted effort ito ng lahat ng hairdressers associations na magka-isa para sa magandang layunin pahayag ni PIHA president at founder na si Les. E Reyes. – LITO T. MANAGO

Show comments