Christian wedding ang kanilang pinaplano dahil pareho silang Christian. Kwento pa ni Melissa, seven hours a day silang mag-usap ng bf at tinatapos nila ang pag-uusap by praying together. Naniniwala itong this time, matutuloy na sa kasal ang three-month-old relationship.
Sa Internet din nakilala ni Melissa ang bf na isang Irish-American-Mexican, 38 years old at Computer Engineer. Ipinakita nito ang picture sa kanyang cellphone at mas gwaping kesa unang nobyo. Dagdag na tsika pa ng actress, pumayag si Darin na mag-relocate sa Pinas after their wedding dahil ayaw niyang iwan ang showbis.
Heto ngat katatanggap lang ni Melissa ng role sa Season 7 ng Now & Forever (Dangal) as the mother of Jennylyn Mercado. Wala raw siyang gagawin sa Amerikat naniniwalang agad makakahanap ng trabaho rito ang husband-to-be niya.
Hindi na mahihirapang mag-recording si Heart dahil nakagawa na siya ng album sa Star Records. Naalala pa nga naming, pumasok ang song na yun sa Top 10 ng music chart at ang kasamang music video ay nag-number one sa MYX.
Samantala, umingay na naman ang offer ng GMA-7 kina Heart at Jericho pero, hindi nila tinanggap. Ang loyalty sa ABS-CBN ang isa sa pumipigil sa kanilang tumanggap ng show sa ibang TV station gaano man kaganda ang offer.
Pero, sa Sabado, abangan ang paggi-guest ni Jericho sa Eat Bulaga at malay nyong isama nito si Heart.
Naintriga si Angelica kamakailan dahil sa Shall We Dance nang ireklamo ang pananalo ni Alex Crisano at ang partner nitong DI. Kapag napanood ninyo ang show, malalaman ninyo kung may karapatang magreklamo ang dalaga.
Itinanggi ni mommy Beth na nanipa ng monoblock chair ang anak pero, umiyak dahil sa frustration sa paniwalang mali ang desisyon ng judges. Hinamon nga raw ng dalaga ang judges at DI para ipakitang kaya niyang isayaw lahat ng klase ng sayaw.
Kahit naiintriga, thankful si mommy Beth na patuloy ang pagdating ng blessings sa anak. May dalawang pelikulang gagawin si Angelica (bawal pang sabihin), at in-demand pa rin sa mga show. Isa rito ang gagawing show sa September 23 sa Casino Filipino, Lahug, Cebu.
Ang reklamo naman ng actor boyfriend nitoy masyadong selosa ang girlfriend at madaling maniwala sa tsismis. Itinanggi nitong nambababae siya dahil loyal siya sa gf na selosa nay wala pang tiwala sa sarili. Sikat at maganda siya pero, feeling puwede siyang ipagpalit ng dyowa sa ibang babae.