Kahit di magka-loveteam, marami ang natuwa sa pagtatambal nina Dennis at Jennylyn Mercado sa Dangal. Wala pa man silang project, may thread na sila sa PEX na nagsimula nang mag-break sina Jennylyn at Mark Herras. Ang fans ang naghanap ng makakapareha ng singer-actress at naniwala silang bagay ang dalawa.
Sinimulan na rin ni Dennis ang recording ng kanyang 13-track album under Indi Music. Una nitong ni-record ang "Mangarap Lang" na composition nina Raul Mitra at Cacai Velasquez-Mitra. Siya rin ang gumawa ng drum track na una niyang ni-record bago ang vocals.
Hindi rin makapaniwala si Lotlot na sasabihin ni Ms. Pilita na pag tinatanong ang mga apo kung gustong matulog sa bahay ng ina, umaayaw. Imposible raw ito dahil ina siya ng mga bata at hindi niya ito pinabayaan. Maayos daw ang usapan nila ni Monching na sa poder muna nito ang mga bata noong sunud-sunod ang trabaho niya.
Hindi alam ni Lotlot kung bakit galit pa rin hanggang ngayon si Ms. Pilita na itinuring niyang parang tunay na ina noong nagsasama pa sila ni Monching. Pero, hindi nawala ang respeto niya rito at di pa rin niya kayang sagutin.
"Wala akong ginagawa at sinasabing masama laban sa kanya kaya, di ko alam kung bakit galit siya sa akin. Pasalamat lang ako dahil kahit galit siya, magkaibigan naman kami ni Monching at mahal ako ng mga anak ko," wika ni Lotlot.
Ang paliwanag ni Annette, usapan nila ni Regine na ito ang magpo-produce ng soundtrack at maghahanap ng distributor (ang Universal Records). May binanggit din itong minimum guarantee sa ganoong set-up dahil nangangapa pa raw ang GMA Records.
Ire-release ang soundtrack bago pa ang showing ng Till I Met You. Ang nadidinig pa lang ay ang version ni Regine ng original ni Kuh Ledesma at binigyan ng bagong areglo. Nasa album din ang "Nandito Ako", theme song ng Captain Barbell na kakantahin ni Robin at may songs din sina Janno Gibbs at Jay Durias ng Southborder plus ang "Mangarap" Lang ni Dennis Trillo.
Naalala namin ang tungkol dito nang mapanood si Marky sa Bakekang. Siya ang gumaganap na Paking, boyfriend at mapapangasawa ni Marta (Manilyn Reynes) na best friend ni Bakekang (Sunshine Dizon).
Maganda ang love story nina Girlie at Marky dahil sa Encantadia, hindi sila ang magka-loveteam pero, nagkatuluyan in real life.