Sabi nga ng mga umattend ay kakaiba ang Luna Awards ngayon dahil sa magandang trato sa mga dumalong artista.
In fairness, maganda at successful naman ang event. Maaga pa lang, nagdatingan na ang mga hosts na sila Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Claudine Barretto, John Lloyd Cruz, Bong Revilla, Lani Mercado, Lara at mga bisita. Kumpleto rin ang grupo nina Bong, Jinggoy, Phillip at Daboy. Dumating din siyempre si Maricel Soriano para tanggapin ang award ng kino-consider niyang nanay na si Nida Blanca na pinagkalooban ng posthumous award ng Film Academy of the Philippines.
Congrats sa matagumpay na Luna Awards. At sa tanong kung sino ang mahusay na producer, kayo na ang bahalang sumagot. Si Albert Martinez na producer ng Luna for 2 years ba o ang grupo nina Romnick and Harlene Bautista na first timer nag-produce ng Luna Awards?
Sino nga ba ang hindi excited para kay Kris kung magbuntis na nga siya? Pero wag naman nating unahan. Hintayin nating maging totoo ang lahat bago ibalita.
Pero biro nga nila, hanggang ngayon ay nagdadalaga pa rin si Maximo dahil ipalalabas itong muli sa ating mga sinehan.
Muling masasaksihan ng ating mga kababayan kung bakit pinarangalan ang pelikulang ito sa ibang bansa.
Marami tuloy ang nagtatanong kung nagdadalaga nga ang bida sa pelikulang si Nathan Lopez ang gumanap sa karakter ni Maximo dahil sa mahusay nitong pagganap.
Tangkilikin po natin ang pelikulang Pinoy dahil sinaluduhan ito sa ibang bansa, marapat lang na suportahan din natin ito.
Malampasan kaya ng tambalang Regine at Robin ang kita ng pinalabas na sinasabing naagaw sa no. 1 na trono in terms of box office success, ang Sukob?
Kaya sa mga fans nila Regine at Binoe, sugod na po sa sinehan at i-enjoy ang sinasabing kilig na samahan ng dalawa.