Kris, may paborito sa Philippine Idol

Tagahanga pala si Kris Aquino ng Philippine Idol. Nakapasok sa top 4 ang kanyang bet na si Reymond Sajor na 19 ulit niyang pinadalhan ng text.

Hinangaan ng husto ang top 12 guys na unang nag-perform noong nakaraang Sabado. Kasunod ang performance ng top 12 girls.

Sino kaya ang mas papaboran sa kanila-male o female contestants?
Documentary Competition, Inilunsad Ng Mmffp ’06
Sa pulong na ipinatawag ni Chairman Bayani Fernando at execom members noong Miyerkules para sa entertainment editors at iba pang kasapi ng movie industry ay inilunsad ang Documentary Competition sa kasaysayan ng Filipino films at kasaysayan o ebolusyon ng MMFF.

Ang layunin nito ay para madagdagan pa ang kaalaman ng mga manonood tungkol sa MMFF at mga pelikulang Tagalog, mai-promote at mai-market ang short independent film industry bilang bahagi ng MMFF.

Dapat ay bago ang produced documentary at di pa naisa-submit sa kahit anong kumpetisyon o exhibition. Ito’y isang straight docudrama, docu musical (MTV) o kumbinasyon ng bawat isa. Ang medium na gagamitin ay English, Tagalog o Taglish at may maximum na 20 minutes na running time.

Ang deadline para sa pagsusumite ng film history o MMFF History ay sa September 23, 2006 at malalaking premyo ang ipamimigay sa mananalong History of Filipino Films-P800,000 as major prize at P50,000 each sa apat na consolation prizes. Para sa History/Evolution ng MMFF ay ipamimigay din ang P800,000 para sa major prize at P50,000 each para sa apat na consolation prizes.

Sa kabilang banda, naging matagumpay ang pulong sa pagitan ng mga entertainment editors at Chairman Bayani kung saan maraming reaksyon o suhestyon ang napag-usapan para sa ikapagtatagumpay ng film festival. Kasama rin sa pulong ang mga advertisers promo, cinema owners at ilang kinatawan ng Manila Broadcasting Company na nag-present ng MMFFP Programs at Promotional Activities.
Claudine, type magkaanak ng babae
Gusto na ni Claudine Barretto na magkaanak pero baka next year pa ito matupad. Kasisimula pa lang kasi nito ng soap opera titled Walang Kapalit at ayon sa aktres, nakaka-pressure dahil katatapos lang ng kasal at nakakapagod kapag mabubuntis siya na magaganap sa loob lang ng isang taon.

Sakaling mabuntis, gusto ni Claudine na maging babae ang anak nila ni Raymart Santiago. Gusto nitong madagdagan si Sabina na nag-iisang apong babae ng mga Santiago.

Halos lahat ng pelikulang ginawa ni Claudine ay blockbuster gaya ng katatapos na Sukob kasama si Kris Aquino.
May amoy na ang young actor!
Naikwento ng aking source ang tungkol sa dating sikat na young actor na pinasikat ng malaking network.

Nakita kasi niya ang aktor kasama ang ilang barkada sa kanilang lugar na madalas ding tambayan ng aking source.

"Malayo na ang kanyang imahe sa pino-project noon na parang kay linis at kay bangu-bangong tingnan. Nang magdaan ito sa aming harapan ay iba na ang kanyang amoy," anang source.

Hindi na nakabalik sa dating kasikatan ang young actor dahil sa negatibong pag-uugali.

Show comments