"Magkasama kami dati ng bahay. Pero nung March, nag-decide siyang tumira kasama ang kanyang mga friends and since alam ko namang very independent siya at strong willed, pumayag na ako," anang 21 year old ate na ginulat lahat, including her parents and even Michelle, nang pumayag siyang mag-model for the popular mens mag.
Hindi umaasa ng suporta ang magkapatid na Ehra at Michelle sa kanilang mga magulang na pareho nang may sariling pamilya.
"Okay naman yung mga kapatid namin sa father side, may kakayahan naman ang dad ko na itaguyod sila pero, walang trabaho ang mom ko at the moment at namatay na yung father ng youngest sister namin na si Michaela Angelika kaya gusto sana namin ni Michelle na kunin ang bunso naming kapatid kay mom at sana pumayag siya," ani Ehra who confessed na walang binago sa kanyang katawan. "Mataba ako ng konti kaya nagpapayat lang ako, pero lahat ng parts ng body ko ay totoo."
Balitaktakan naman sina Sherilyn Reyes at Manilyn Reynes tungkol sa usapang taba na dapat abangan ng lahat. Magsasabi rin ng may effective na pampapapayat.
Gaganap na genie ang dalawa, complete with colorful costumes, at tutulungan ang dalawang major characters na matupad ang kanilang mga pangarap na maging bida ang grupo nila sa kanilang talent show. Pagkatapos ng SOP Gigsters sa GMA7.