Ang mabituing pagdiriwang na tatampukan nina Jolina at Marvin, John Lloyd at Claudine, Bong at Lani bilang mga hosts, Precious Lara Quigaman, trivia host, G Toengi, red carpet host at Eula Valdez, taga-recap ng winners bawat gap, ay magaganap sa PAGCOR Grand Theater, Airport Casino Filipino, Parañaque City sa direksyon ni Al Quinn at mapapanood sa RPN9.
Ibinabalik na rin ang pa-raffle sa mga manonood na tatlong taon ding nawala. Pero, di tulad ng dati, walang nang ticket stubs na kakailanganin. Bawat manonood ay bibigyan ng MMFFP movie cards na kung saan isusulat ang pelikula na pinanood at kung saan.
Tatlong movie ang kailangang mapanood para maka-qualify sa raffle promo na pinamagatang Cash sa Pelikula. Bawat karagdagang pelikula ay nagkakahalaga ng P5 thousand. Kung anim na movie ang napanood ng nanalong MMFFP movie card, may P30 thousand siya, P5 thousand para sa bawat isang movie na lumampas sa required 3 movies. Ang awarding nito ay isasabay sa MMFFP awards night.
May gaganapin ding docu competition kasabay ng MMFFP 2006. Tema ay tungkol sa kasaysayan ang Filipino films at kasaysayan at evolution ng MMFF.
Deadline ng submission ng projet proposal ay sa Set. 23. Deadline ng finished product na kailangang bago at hindi pa naisa-submit sa anumang competition ay sa Oct. 30. P800,000 ang major prize at may apat na consolation prizes na tig-P50 thousand each. VERONICA R. SAMIO