Grabe, umabot pala sa puntong naputulan ng kuryente ang condo unit ni
Snooky Serna sa Makati kaya ito napilitang layasan ang condo kung saan naka-kontrata ito ng isang taon. Ayon sa source, nang magsimula ang away nila ng bagong asawang si
Niño Mendoza hindi na rin nagsimulang magbayad ng dues ang dalawa. Nakapangalan umano ang kontrata ng nasabing condo kay Snooky na nang iwan niya ay maraming sirang gamit at utang.
Naisulat ni Nay
Lolit Solis na naka-schedule magpa-interview si Snooky tungkol sa hiwalayan nila ng bagong asawa sa mga talk shows. Pero nagde-demand daw ito ng talent fee sa bawat appearance.
Actually, after ng wedding nila ng rocker na si Niño Mendoza, marami nang nag-predict na hindi magtatagal ang kanilang marriage. True enough.
After several months, maugong ang balitang hiwalay na sila at heto nilayasan pa ang condo na kanilang tinirhan.
Wala man sa bansa ang superstar na si
Nora Aunor, tuloy naman ang ikot ng buhay nito. May ginagawa siyang digital film na sinulat ni
Bernardo Bernardo. Ayon sa e-mail ni
Sandra Villaluz (sandravillaluz08@yahoo.com):
Bernardo Bernardo wrote the script and co-stars with Nora Aunor in Ingrata, a digital film produced by Demo Productions on the life of a downtrodden immigrant in the ghettoes of Los Angeles. The movie will be shown on September 27 at SM Digital Cinemas." At wala man sa bansa si Ate Guy, hindi pa naman nito nalilimutan ang pag-aartista.
Sina
Angel Locsin, Katrina Halili, Camille Prats, Angelica Panganiban, Maui Taylor, Katya Santos, Marky Cielo, Gian Carlos, Mark Herras and
Dingdong Dantes. Sila nga ba ang may maamong mukha ng mga gumagawa ng tama?
At kapag sinubok na ng pagkakamali makakaiwas ba sa pagkakasala?
Oras nang harapin ang katotohanan!
Ngayon aalamin ang kasagutan.
Sabay-sabay nating
Hubaran ang Huwaran! sa
Showbiz Stripped ngayong gabi hosted by
Ricky Lo sa
GMA 7.
Salve Asis e-mail - salve@philstar.net.ph