Kinalingguhan ng gabi ay muli namin siyang nakita galing sa final game at ibinalita niya sa amin na naka-second ang Philippine team at ang Singapore team ang nakakuha ng unang pwesto. Bukod sa Singapore at Pilipinas, 23 iba pang bansa ng Asia-Pacific ang lumahok sa frisbee competition.
Pito ang panalo ng Philippine team na kinabibilangan ni Derek at isang talo kaya sila nalaglag sa pangalawang pwesto.
Samantala, kapansin-pansin ang pagganda ng career ngayon ni Derek. Bukod sa kanyang pagiging abala sa paggawa ng TV commercials, abala rin ito sa kanyang acting at hosting career. Matapos siyang mapanood sa TV series na Panday, balik TV series si Derek sa pamamagitan ng Super Inggo.
May dalawa rin siyang pelikula na parehong kalahok sa darating na Metro Manila Film Festival, ang Kasal, Kasali, Kasalo na pinangungunahan ng mag-sweetheart na Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo at ang horror flick na Karma na tatampukan nina Gretchen Barretto, Rica Peralejo at iba pa sa ilalim ng Canary Films.
Si Derek ay Derek Arthur Ramsey sa tunay na buhay. Isa siyang half-English (father) at half-Filipino dahil naman sa kanyang ina. Lima silang magkakapatid, tatlo ang babae at may isa pa siyang kapatid na lalake na mas bata sa kanya.
Nagtapos si Derek ng marketing sa Boston. Ang kanyang pagiging commercial model ay nagsimula nung 1999. Magmula noon ay sunud-sunod na ang kanyang paggawa ng TV commercials.
Dating detective inspector ang daddy ni Derek sa Scotland Yard. Nang itoy mag-retire, nagput-up ito ng isang electronic security.
Tinanong namin si Derek kung ano ang kanyang kaugnayan sa singer-actress na si Angelika dela Cruz? "Were real friends. Magli-limang taon na kaming magkaibigan pero walang romantic involvement sa aming dalawa," pahayag niya. "When she has problems, she comes to me," dagdag pa ni Derek. Aminado si Derek na loveless siya ngayon pero hindi umano siya nagmamadali kahit 27 na siya. Wala pa rin sa bokabularyo niya ang pag-aasawa.