Kris will be good for politics!

Hindi marahil alam, ng isang manunulat ang sinasabi niya nang maliitin niya ang mga artista na pumapasok ng pulitika. Oo nga’t may mga artista na di karapat-dapat maging public servants at naiboto lamang dahilan sa kanilang kasikatan, pero, hindi mapasusubalian na hindi kabilang dito si Kris Aquino.

Ito naman ay kung papasukin niya ang mas magulong mundo na naging dahilan para maagang mawala sa kanila ang kanyang ama. Ilang ulit na kasi niyang sinabi na wala siyang balak na sundan ang yapak nito. At kaya lamang marahil umuugong ang kanyang pangalan ay dahilan lamang sa talagang qualified siya, karapat-dapat kung totoo ngang lalahok siya sa Senado.

Nag-aral si Kris at di basta-bastang naging isang estudyante. Sa kabila nang pinagtataasan siya ng kilay sa kanyang mga magugulong escapades, honest siya, di siya nahihiyang aminin ang kanyang mga naging pagkakamali.

Sa panahon ngayon na walang mapiling honest servant ang tao, nariyan si Kris na maiidolo nila without her really trying.

Katulad ng excitement na ipinarating ni Kris sa TV at maging sa pelikula na kung saan ay kinuwestyon din ang kanyang kakayahan, pinatunayan niya na she has all the right to be where she is right now. — Boy C. De Guia

Show comments