Ginamit daw sa negosyo ang nasabing halaga ng actress pero hindi lahat nang pinasukan niyang business ay nag-succeed. Kaya daw ang ending, demanda.
Naka-file na sa korte ang kaso pero wala pang nakaka-trace.
Nagkaroon sila ng opening last Friday.
Congrats Igan...
Limot na kasi ngayon ng kahit ng mga nagsisimba na maging gentleman sa mga nakatatanda.
Wala na silang pakialam kung may edad ang nakatayo at silang malalaki ang katawan ay mga prenteng nakaupo habang nakikinig sa pari.
Ang mga babae pa ang nagmamagandang loob na magpa-upo sa matatandang nakikita nilang hirap na nakatayo.
Hoy Noypi, bisitahin nyo ang mga simbahan pag Linggo. Yung maraming nagsisimba at tayuan, para ma-test natin kung majority ng mga kalalakihan natin ay ungentleman na.
Actually, hindi lang sa simbahan magandang bumisita. Kundi sa mga parking areas na masikip. Tingnan ninyo dahil ang daming ungentlemen. Imagine, naka-ready ka nang mag-park tapos biglang may papasok na galing kung saan. At tingnan nyo rin ang ibang mga gentleman naman na nagmamagandang loob na tumulong pag nakita nilang hirap mag-parking.
Hay ang daming kuwento na puwedeng i-feature ang Noypi na nakakaaliw panoorin.