Malalagay sa malaking pagsubok ang tambalang
Kim Chiu at
Gerald Anderson dahil kahit na may tatlo pa silang kasama sa pelikulang
First Day High
Maja Salvador, Geoff Eigenmann at
Jason Abalos sa tandem nila nakasalalay ang movie. At kung maganda pala ang istorya ng pelikula gaya ng claim ng bagong director nito na si
Mario Cornejo, wala na silang dapat pang ipag-alala, bahala na ang napakarami nilang tagasubaybay na gawing isang boxoffice hit ang movie. Sa lakas ng promo ng pelikula na pati na sa kalabang network ng
ABS CBN na
GMA ay nagawang maipakita ang trailer ng pelikula at sa billboards at mga dyaryo, talagang sinisiguro ng
Star Cinema na maitulak ng malayo ang tambalan sa pamamagitan ng kanilang pinaka-unang pelikula. Ang magagawa na lamang natin ay maghintay kung magiging epektibo ang lahat sa pagpapalabas nito sa Setyembre 27.
Magdaraos ng isang national short story writing contest ang
Francis Padua Papica Foundation para sa mga batang may edad 6-12.
Walang contest theme, kahit ano pwedeng isulat ng mga bata, personal, fact, fiction o tungkol man sa hayop, kaibigan, pamilya at kamag-aral. Pwedeng nakakatawa o nakakahiyang karanasan.
Isa lamang ang mananalo at tatanggap ito ng P10,000, certificate, kopya ng libro na nagtataglay ng nanalong istorya at isang kahon ng libro.
Dapat orihinal ang entry at di pa nalalathala, hindi lalampas ng 1,500 na salita at sinulat sa Tagalog o Ingles, pero hindi Taglish. Pwedeng sinulat sa kamay o minakinilya. Lahat ng entry ay dapat may kasamang kumpletong entry form. Deadline sa Setyembre 15.
Mail your entries sa
Mga Kuwentong Pambatang Papica Backroom, Inc., Unit 297, 116 CRM Bldg., Kamias Rd. cor. Kasing-Kasing St. QC. Tumawag sa 9283121/4353808. Di pwedeng i-fax o i-email ang mga entries.
veronica@philstar.net.ph.