Career ni Jabo Mones, gumaganda!

Malakas ang hatak ng newcomer na si Jabo Mones sa mga fans. Kaya naman gumawa talaga ng paraan ang manager nito na si Ms. Joy Cancio na maibalik ito sa Season 12 ng Daisy Siete titled Landas.

Ngayon, araw-araw ay may exposure ang baguhang aktor sa TV. Siya ang ginagamit ni Romnick Sarmenta para magmanman (spy) sa bahay ng mag-asawang Sunshine Garcia at Reggie Curley. And in terms of acting ay walang masabi ang director nila sa DS kay Jabo.

Mapapanood si Jabo ngayong gabi sa Nuts Entertainment and this time kakaiba naman ang kanyang role bilang gay.

Abala rin ang actor sa paggawa ng mga digi films titled Bagong Liwanag at ang Anino under GMA and Regal Films. Isa, pala si Jabo Mones sa top students ng PETA. — PL

Show comments