Sey ni Mommy Alice, "Bakit naman maapektuhan pa si Rica. Matagal na silang hiwalay ni Bernard. Walang anuman sa kanya kung magpakasal man ito. Matagal na panahon nang burado siya sa puso ng anak ko. Bumilang na rin ito ng maraming nobya gaya nina Phoemela Barranda, kapatid ni Aubrey Miles at iba pa kaya nabaon na sa limot ang kanilang relasyon. Matagal nang naka-move on ang aking anak at mas masaya siya sa kanyang buhay ngayon," ani Alice.
Endorser ng Smart Talk and Text ang aktres kaya kagagaling lang ng Vigan para sa promosyon nito. Magsisimula na rin ito ng syuting para sa entry ng Canary Films sa darating na Metro Manila Film Festival tentatively titled Karma at nakalinya na ang proyektong pagsasamahan nila ni Eddie Garcia. Naghahanap pa ng leading man na makakapareha ni Rica para sa isang pelikula under Korean Production.
Pero noong nakaraang kaarawan ni Iwa ay dumating ang ina nito sa party. Sabi nga, walang inang di makakatiis sa anak at nagkasundo sila ni Iwa. Marahil na-realize ng young actress ang pagkakamali kaya ngayong magkasundo na ay magkasama na sila sa bahay.
Kasama si Iwa sa Bakekang bilang si Jenny na kaibigang matalik ni Kristal.
Mapapanood din natin sila sa ibat ibang dance number na akma sa suot nilang sopistikadang evening gowns.
Kaya lang nakakuha ito ng triple-X rating mula sa MTRCB kaya nanganganib na di maipalabas sa mga sinehan sa Metro Manila.
Ang pelikulay sinulat ni Ricky Lee sa direksyon ni Mel Chionglo. Ang ikinatutuwa lang ni IC ay naimbitahan ang pelikula for exhibition sa Toronto Film Festival pero di siya nakasama.
"Aside from this, may imbitasyon din ang Twilight Dancers para lumahok for exhibition sa Chicago International Film Festival," aniya.