Hindi na raw kasi kaya nina Cogie at Lovi na talunin sa ratings game ang Love Spell nina Kim at Gerald Anderson kaya ipinasok na ang pinakasikat na loveteam ng GMA-7.
Naaliw lang kami dahil survivor talaga sina Mark at Jennylyn, imagine ang Love to Love naman nina Cogie at Lovi ang susubukan nilang iligtas.
Going back to Kim ay very honest siyang hindi niya alam ang resulta ng ratings game ng Love to Love at Love Spell dahil nga super busy siya sa tapings at shooting ng First Day High na first movie nila ni Gerald under Star Cinema.
And speaking of First Day High, walang nagawa ang GMA-7 dahil pino-promote sa kanila ang nasabing pelikula ng Star Cinema dahil bayad sila ng Unilever na major sponsor ng Rexona no?
Ang hindi pagbibigay ng buwanang sustento sa dalawang anak nila ni Jeremiah ang rason ng demanda at ang kamuntikang pagkawala ng bunsong anak naman ang dahilan ng asunto sa ina.
Itinanggi rin ni Ethel ang bintang na kaya raw siya magdedemanda ay sa dahilang galit siya sa tatay ng mga anak niya dahil may iba na raw itong girlfriend. REGGEE BONOAN