"Sarili kong style ha, hindi ako nang-agaw," sabi ni Marissa. Tumaba siya kaya ang eksenang palagi siyang kasama ay pansin ng mga tagahanga.
Ilan na bang pelikula ang ginawa niya na hindi siya pinapurihan? Minsan din nag-produce noon, at may anak na naging Beauty Queen, si Avon Garcia. Nag-artista din si Avon pero sandali lang. Mas ginusto nitong magtrabaho outside showbiz. Ipinaubaya na lang ang pag-arte sa ina.
"Parang hinahanap ko pa rin ang pag-arte," kwento ni Marissa.
Humahanga si Marissa kay Keanna, wala raw star complex. Hindi siya pa-star sa set, komot panahon niya ngayon. Maaga pa nga itong dumarating sa set. Humahanga rin si Direk Joven Tan dito, wala raw sakit ng ulo na naidulot ito during shooting. Vir Gonzales